BYE HIGH SCHOOL

53 13 0
                                    

First day of school ay wala ka pang kakilala

Tumagal ka sa paaralang yun at nagkaroon ka ng isang pamilya

Gra-graduate ka na ang baon ay masayang ala-ala

Pati narin ang pagkastress mo, lahat yun mawawala na

Hindi na bale kung wala kang medalya

Ang mahalaga ay may diploma at proud sa'yo ang 'yong pamilya

Ang mga kaklase mo ay mami-miss mo

Pati narin ang mga gurong nagturo sa'yo

Sila ang naghubog sa'yo na maging mabuting tao

Kaya nararapat lang na sila'y pasalamatan mo

Masaya ka dahil ga-graduate ka na sa wakas

Kaya lang nakakalungkot ding isipin na yun na ang wakas

Mga ala-ala ay hindi na mabubura

Pagkakaibigan at samahan ay magiging ala-ala nalang ba?

Maiiyak ka siguro habang kumakanta kayo ng graduation song

Natural lang yun pero sana ay yakapin mo ang mga taong naging pamilya sa'yo sa pagkakataong yun.

Sila ay kasama mo sa kalokohan, problema, at kasiyahan.

Kaya ang hirap ding tanggapin na hanggang dun nalang

Matatapos nalang ang samahang nabuo sa isang araw

At gigising ka nalang kinabukasan na wala na sila at may iba't iba na kayong buhay

Binibining MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon