INSPIRED BY BTS SONG
"Fake Love"
Paano nga ba tayo nagsimula?
Ang alam ko lang kasi hindi 'to tama
Pinilit nating pareho kahit komplikado
Kaya tayo sa dulo ang nasaktan ng pareho
Ano nga bang mali natin?
Ang hirap lang kasi talagang isipin
Oo mali ako na ika'y paasahin
Kasi una palang alam kong hindi ikaw ang gusto kong mahalin
Pero bakit nga ba nauwi sa hiwalayan?
Hindi nga ba tayo nagkagustohan?
Ang alam ko kasi pareho tayong sumaya.
Pero sa huli tayo parin ang naiwang mag-isa
Kahit alam kong hindi kita minahal simula pa lang
Ginawa ko naman ang lahat para sa'yong kasiyahan
Oo, pinaasa kita pero umasa lang kasi ako
Na baka matutunan kang mahalin pero mali pala ako
Ngayon na tapos na tayo
Gusto kong sabihin sa'yo
Iniyakan ko ng maghiwalay tayo
Pasensya kasi nakilala mo pa'ko
Nasaktan ako hindi para sakin, kundi para sa'yo
Pinilit lang kasi kitang minahal nung malungkot ako
Sa panahong yun naging kompleto ako
Pero ikaw naman ang masasaktan ko
Ngayon ay pinili kitang palayain
Nasaktan din ako at di ko yun akalain
Siguro kasi naging kaibigan ka na sa akin
Sorry talaga kasi hindi kita kayang mahalin
I'm so sick of this fake love, fake love, fake love
I'm so sorry but it's fake love, fake love, fake love 🎵🎶