SHARE KO LANG

31 8 0
                                    


Ngayon malalaman yung result sa PLM examination at kung sino-sino yung mga passers. Tiningnan ko yung link sa facebook pero natatakot akong buksan yun. Ang dami ko pang ginawa bago ko yun i-access, naligo, kumain, ta's nag-pray. At nung naiyak ko na lahat at in-expect ko na na hindi ako makakapasa saka ko binuksan yung link galing sa Fb.

At yun, sinearch ko yung pangalan ko sa mga passers pero wala, inulit ko kasi baka may mali lang, pero wala talaga. Nung una hindi masyadong masakit pero nung narealize ko na sayang yun eh, dream school ko yun, saka ako nalungkot ng sobra.

Kaya guys sa mga magta-take ng exam sa college d'yan dapat mag-aral kayo ng mabuti before exam, dapat ibigay niyo yung best n'yo para kapag nalaman nyo ang resulta ng exam ay alam niyong ginawa nyo naman yung lahat. Naisip ko din na baka hindi talaga para sa'kin yun. Pero kahit na ganun ay masaya parin ako kasi may mga kaklase akong nakapasa.

Alam kong lahat kami deserving pero ganun talaga eh dapat marunong tayong tanggapin ang mga bagay bagay. Malay mo, may mas maganda pa palang darating.. Nakaka-disappoint man ay kontento na ko sa result na yun kasi alam ko naman na binigay ko na talaga yung best ko eh pero wala talaga.

Naniniwala parin ako na may mga bagay na hindi talaga sa atin. At kailangan hindi natin sisihin pa ang mga sarili natin, mas maganda kung matututo nalang tayo sa pagkakamali natin at lagi tayong positive.

Binibining MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon