TADHANA

64 12 0
                                    

Ako ang pinaglaruan ng tadhana

Ang laging tanong ay bakit ako pa?

Ito ba'y parusa?

Bakit?

Ano ba ang nagawa kong mali?

Ano bang trip toh?

Kasi hindi na nakakatuwa

Sobrang nasasaktan ako at ayoko ko ng umasang magiging masaya pa

Sobrang sakit

Yung tipong tutulo nalang ang luha mo

Tapos minsan nakakasawa ng umiyak

Kasi kahit anong iyak ko, wala ding mangyayari

Bakit ganun?

May mga taong walang kasing sama

Pero sila pa ang sumasaya?

Bakit naman ganito?

Ang akala ko ay makakaya ko

Dahil malakas akong tao

Pero bakit nagbago ako

At hindi ko alam kung bakit ako ganito

Hindi ako 'to

Lahat kinakaya ko

Pero bakit nung mawala lahat sa'kin

Ay nawala pati ang sarili ko

Natatakot ako

Takot akong sumapit ang umaga ng nag-iisa

Takot akong habambuhay na magdusa

Bakit ba kasi ako pa, tadhana?

Eh wala namang espesyal sa'kin

Ayoko na sa larong to

Magpakasaya ka na dahil talo na'ko

Sukong suko na ako

Ayoko nang mabuhay pa

Hindi ko na kayang lumaban

Sa larong sarili ko lang din ang aking kalaban

Hindi ko na kayang magpatuloy

Sawa na'ko sa magulong mundo, kaya tama na.

Hindi naman ako nabuhay para lang maging malungkot diba?

Alam ko na may magagawa pa ako para sa mundo pero pagod na talaga ako

Sa totoo lang, pinipilit kong ipakita na wala akong problema sa iba

Pero ang totoo n'yan ay gusto ko nalang mawala.

Na parang isang puting usok

Na hindi mapapansin ang biglaang paglaho

Sobrang bigat na kasi sa dibdib eh

Lagi nalang akong umiiyak sa gabi

Ni hindi ko na alam ang gagawin ko

Para lang matapos ang sakit na nararamdaman ko

Pagod na'ko

Ang sakit sakit na

Bakit lahat ng problema nasa akin na

Magulong pamilya

Walang kalayaan

Malungkot na buhay

Laging mag-isa

Pakiramdam ko ay wala akong halaga

Pero bakit may nagsasabi saking lumaban pa?

Bakit hindi ko sinira ang buhay ko gaya ng iba?

Bakit sobrang tatag ko kahit sobrang dami ng problema?

Bakit kaya kong magmukhang masaya sa iba kahit hindi naman talaga?

Bakit ba hindi nalang ako sumuko?

Bakit umaasa parin ako na magbabago ang kapalaran?

Bakit gusto ko paring lumaban?

Sa kabila ng lahat ng masasakit na nangyari sa'kin

Bakit hindi ko naisip na lahat ay wakasan

At bakit kapag gusto ko nang sumuko?

Ay maiisip ko nalang bigla ang lahat ng pagsubok

Sa lahat ng mga pinagdaan ko

Bakit ngayon pa ako hinhinto at susuko?

Di ko naman talaga ginustong mabuhay

Pero bakit parang mas mahirap iyon kesa sa mamatay?

Lagi nalang akong nagku-kunwari

Kahit na gusto ko nang magalit ay nakukuha paring ngumiti

Gusto kong murahin lahat ng taong sumira sa buhay ko

Gusto ko silang gantihan at iparanas ang mga naranasan ko

Mapapatawad ko pa kaya sila?

Magagawa ko pa kaya ulit ang maging masaya?

Kung nasanay na ako sa dilim

Matutuwa pa kaya ako sa liwanag na darating?

Pa'no kaya kung umalis nalang ako?

Pa'no kung sinubukan ko at di ako natakot?

Pa'no kung nagpakasama din ako?

Pa'no kung naging totoo ako at hinarap ang problema ko?

Pa'no kung imbes na umiyak ay mas lumaban ako?



Ako ang pinaglaruan ng tadhana

Ginawa niya akong pinakamalungkot na tao

Dahil sa kanya nagbago ako

Ano kayang dahilan niya noh?

Bakit sa dinami-dami ng tao, bakit ako?

Binibining MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon