'POGI"

38 9 0
                                    

Siya yung lalaking laging sinasabi na 'ang pogi niya. Siya yung masayahin at makulit kong kaibigan...na minsan nakakainis na sa sobrang mapang-asar. Siya din yung nagpatunay sa akin na walang imposible pagdating kay God dahil nagawa niyang baguhin ang buhay ng isang tao na dati ay walang kilalang diyos, makasalanan, at gumagawa ng masama.

Siya na laging positibo sa buhay na kahit anong pagsubok man ang pagdaanan niya ay hindi parin siya sumusuko. Lagi siyang handa at laging lumalaban. Hindi ata alam ng taong ito ang salitang pagsuko.

Siya.

Yung nagturo sa akin kung paano maging matatag sa buhay na dapat gawin kong inspirasyon si Job sa bibliya na hinding hindi sinisi si God sa mga nangyari sa kanya. Na dapat ay ipakita ko na tanging ang Diyos lamang ang makapangyarihan at walang kahit na anumang pagsubok ang kaya siyang talunin. He is greater than my fears, and I will always remember that.

Siya yung taong magulo minsan pero pag nakilala mo ng lubusan ay mapapahanga ka nalang sa kabutihan ng kalooban niya.

Siya yung pilosopo na madalas corny mag-joke, haha. Siya yung kaibigan ko na masaya akong nakilala. Siya na pinakita sa akin ulit kung gaano kabuti si Lord.

Siya na nagpapagaan ng loob ko kapag sobrang hindi ko na kaya.

Siya na pinasasalamatan ko.

Siya na hinding hindi ko makakalimutan.

Siya na alam ko na hinding hindi bibitaw kay God.

Siya na magiging mabuting halimbawa para sa iba.

Siya na Pogi

Siya na may Presence of God Inside

Siya na nagbabasa ngayon nito.

T H A N K Y O U!

Binibining MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon