Namimiss na kita
Gusto na kitang makita
Samahang nabuo
Hanggang ala-ala nalang ba tayo
Bakit ba?
Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana
Tayong dalawa'y masaya na
Kahit hindi na tayo ang magkasama
Ikaw ba ay katulad ko na naghihintay
Sa muling pagkikita ay hindi na tayo magkakahiwalay
Pero ngayon wala ka na sa tabi
At ako'y nasasaktan, umiiyak tuwing gabi
Ang tanong ko sa aking sarili
Bakit ba namimiss kita?
Kahit pa malayo ka at malabong maging tayo pa
Kay sakit isipin
Na hindi ka para sa akin
Ang iyong mga ala-alang iniwan
Ay hanggang sa isip ko nalang
Bakit ba kasi kailangan mo pang umalis sa aking tabi
Ngayon ang puso ko ay hindi na gaya ng dati
Hindi na makatulog sa gabi
Naiisip na wala ng nagmamahal
At hindi ka na babalik muli sa akin
Ang gusto ko lang ay muling mayakap ka
Maramdaman ko ang init ng iyong pagmamahal
Kahit na hindi na tayo
Kahit na hindi na ako
Kahit na malaya na tayo pareho
Ikaw parin ang
Mamahalin ko
Ikaw lang
Ikaw lagi
Kahit sa aking panaginip
Hayaan mo sana na
umasa kahit na
Hindi sigurado sa nadarama
Kahit hindi man tayo magkita pa
Hindi ko makakalimutan kung paano kita minahal ng sobra