Nung una akala ko katulad ka ng iba
Mayabang, puro papogi lang ang alam at paasa
Pero nung tumagal ay nakilala ko ang tunay mong pagkatao
Nalaman ko na kakaiba ka sa lahat at napakalalim mong tao
Doon na nagsimulang tumibok ng malakas ang puso ko.....
Para sa'yo
Tuwing gabi ay naiisip ko na baka pwedeng maging tayo
Na mapansin mo rin ako at mayakap din kita
Na kahit malayo ka ay maalala mo ako
Kakaiba ka sa lahat ng lalaki
Mabait ka, makadiyos, at magpagmahal
At alam kong sa'yo ako komportable
Pero kahit na wala akong lakas ng loob para aminin sa'yo ang aking nararamdaman
Sana huwag mo akong iiwan at lalayuan
Kahit na hindi ako katulad ng ibang babae
Ay sana naman ay matutunan mo rin akong ituring na isa sa kanila
Alam ko naman na malabong maging tayo
Kasi perpekto ka sa paningin ko
Kaya hinihiling ko nalang na kung sino man ang magugustuhan mo
Siguraduhin mong hindi ka niya sasaktan
At hindi ka niya lolokohin
Mahal na mahal kita
At ikaw ang gusto kong makasama
Sa habang buhay at karamay sa problema
Sorry kung masyado akong duwag pagdating sa'yo
Ayoko kasing magalit ka sakin o lumayo
Basta kahit na ano mang mangyari, lagi lang akong nandito para sa'yo
Palihim kang titingnan sa malayo
At poprotektahan ka sa kahit na anong pwedeng manakit sa'yo
My man
I will always be here for you!