Naalala ko lahat ng masasaya at masasakit na alaala nating dalawaNung mga panahong tayo pa
Minsan tinatanong ko sa aking sarili
Kung bakit hindi tayo sa huli
Sa totoo lang, masaya ako na nakilala kita
Masaya ako kasi minahal mo'ko at minahal din kita
Naalala mo pa ba?
Nung una kitang makita
Hindi kita napapansin noon
Pero sabi nga nila
Na minsan kung sino pa yung taong hindi mo masyadong napapansin nung una
Siya pa yung mamahalin mo pala ng sobra!
Hindi kasi kita nakikita
Dahil nasa iba ang aking atensyon
Nasa kanya, sa kaibigan mo na
Niloko at sinaktan ako noon
At ikaw naman, naging panakip butas ko
Sorry pero yun ang totoo
Pero nung una yun
Nung sobrang nasasaktan ako
Lalo na kapag nakikita ko sila ng ipinalit niya sakin na sweet sa isa't isa
Na para bang wala silang nasaktang tao
Bago maging sila
Ang sabi ng mga kaibigan ko, ba't di kita gamitin para pagselosin siya kasi inamin mo sa kanila na gusto mo ako
Ang sabi ko naman.
Ayaw kitang saktan
Ayokong saktan ang ibang tao dahil lang sa nasaktan ako
Pero sinabi mo pa rin sa kanila na liligawan mo'ko
Nung nalaman ko yun
Mas nasaktan ako kasi hindi ikaw ang gusto ko kundi ang ex ko
Siya na niloloko ako at nalaman ko pa na alam mo
Nagalit ako sa'yo nung una pero nawala din naman
Naintindihan naman kita
Ayaw mo kong masaktan
Pero nasaktan parin naman ako sa huli diba?
Pero nangyari na eh, ano pang magagawa ko?
Nung panahong yun kahit niloko na niya ako siya parin ang gusto ko
Na kahit may iba siyang nililigawan
Handa akong tanggapin s'ya kapag bumalik s'ya at niligawan ulit niya ako
Pero sobrang sakit ng ginawa niya
Ang sabi niya, sagutin na daw kita
Nililigawan mo 'ko alam niya, nagpaalam ka
At gusto niya akong ipamigay sa'yo
Yun ang naiisip ko
Tinawaan ko nalang siya
Kasi sa totoo lang mas gwapo ka sa kanya
Ano bang nakita ko dun?
So ayun nga binigyan kita ng chance
Kakaiba ka sa mga nanligaw sa'kin
Kasi imbes na magpaalam kang manliligaw ay sinabi mo na
Liligawan na kita simula ngayon
Ang sabi ko naman, hindi pa'ko handa