Masakit maiwan
Akala mo sa una, makakaya mo
Pero habang papalapit ang pag-alis nila
Hanggang sa mismong araw ay dun mo nalang mararamdaman ang labis na kalungkutan
Sobrang lungkot ngayon par
Ang hirap hirap, parang ayoko na
Bakit kasi may mga taong ang hilig mang-iwan?
At bakit din may mga taong kayang kaya kang kalimutan?
Na parang wala kayong pinagsamahan
Grabe talaga par!
Hindi ako sanay na mag-isa
Nakakalungkot grabe, parang di ko na kaya.
At ngayon iniisip ko nalang kung anong pipiliin ko
Ang maiwan bang mag-isa, o makasama ang mga taong nagpapahirap ng loob ko?
Babalik pa kaya sila?
Babalikan pa ba nila ako?
Paano kung hindi na kami magkita?
Eh di parang hindi narin kami nagkakilala
Pagkatapos kasi naming maghiwalay ay magkakalimutan na
Yan ang hirap sa buhay eh
Lahat pansamantala, di lahat tumatagal
Lahat ng tao na kasama mo, ay iiwan ka rin pagdating ng panahon.
Tapos kakalimutan ka nalang nila sa pagsisimula nila sa bagong buhay.
Na parang hindi man lang kayo naging magkakilala
Na parang wala kayong pinagsamahan
Na parang hindi mo siya napasaya nung malungkot s'ya
Pero wala ehh, ganun talaga
Hindi lahat ng tao kayang maka-appreciate
Kahit na ibigay mo pa sa kanila ang lahat
Iiwan ka parin nila at kakalimutan
Kahit na minahal mo pa sila at pinahalagahan
Magagawa ka parin nilang saktan
Kaya mabuti pa ay piliin mo yung mga taong bibigyan mo ng halaga
Piliin mo yung taong naa-appreciate ka
Para pagdating ng araw ay hindi ka maiwang mag-isa