DepressionBeen there done that!
Kung iisipin sa una ay parang isang simpleng kalungkutan lamang pero ang totoo ay isa itong nakakamatay na kalungkutan. Na sa sobra mong lungkot ay maiisip mo nalang na sumuko sa buhay. Siguro ang totoo niyan ay ang gusto nating matigil ang ang sakit na nararamdaman at hindi ang buhay natin. Pero dahil nga sarado na ang ating isip at ang tanging alam natin ay tuluyan lang na mawawala ang mga problema at paghihirap natin sa paraang tinatawag nilang 'Suicide'
Mayroon akong isang kaklase na halos every month ay naglalaslas dahil sa sobrang bigat ng kaniyang problema. Ang sabi niya ay kaya niya ito ginagawa ay dahil sa paraan daw na yun ay nararamdaman niya na tao pa rin siya. Dahil nakakaramdam pa daw siya ng sakit at dun sa sakit na yun lang matutuon ang isip niya imbes na sa sakit na hindi niya nakikita dahil nasa loob niya, nasa puso.
Pero para sakin dahil never ko namang nagawa na saktan ang sarili ko, I tried once. Binalak kong saksakin ang sarili ko, wala na akong pakialam nun basta ang alam ko ay gusto ko nang matapos ang paghihirap ko. Pero napigilan ako ng mama ko kaya hindi naituloy. Hindi yun ang sagot, hindi yun ang kailangang gawin ng mga taong depressed.
Kasi hindi maso-solve ang problema kapag lagi mo itong tinatakasan. Dati lagi kong sinasabi na 'I want to escape''I want to go somewhere else where no one could ever hurt me'no judgement, no pain, no sadness...only happiness.
Pero ayun nga narealize ko din na dapat hinaharap ang problema at hindi tinatakasan. Pero paano mo gagawin yun, kung wala ka nang gana pang mabuhay?
Well base on my experience, nahirapan din ako pero sinabi ko sa sarili ko na kailangan ko iyong gawin kung hindi ay ako ang mawawalan, magiging talunan. Ang sabi ko ay kailangan kong ipakita sa lahat na mali sila, na kaya ko, na hindi ako susuko.
Iniba ko ang mindset ko, sinabi ko na dapat positive ako lagi, dapat hindi ako magpaka-stress dahil ako lang din ang mahihirapan, dapat masaya ako. At inisip ko din nung time na yun na.....Hindi ko kontrolado ang mga bagay sa paligid ko at ang tanging kaya kong i-kontrol ay ang sarili ko lang. Dun unti unti akong nagkaroon ng pag-asa na magiging okay din ako. Lahat ng masasakit na salita ay labas pasok nalang sa tenga ko at ang masasakit na alaala ng nakaraan ay tuluyan ko ng kinalimutan. Pero nagpapasalamat ako dun kasi may natutunan ako at proud ako na sabihing parte iyon ng kung sino ako ngayon. Hardwork, Knowledge, Attitude, Love of God. Diyan ako nag-focus lalo na sa faith ko. Nasabi ko sa sarili ko na ' Hindi ako nag-iisa sa laban na ito dahil kasama ko si God at mahal na mahal niya ako kahit na makasalanan ako.
Paunti unti ay nararamdaman kong nagiging maayos na ang lahat. Nahanap ko din ang sarili ko, napatawad ko din lahat ng taong nanakit sa akin maging ang sarili ko, at higit sa lahat ay nalaman ko kung sino ang nandyan para sa akin. Walang iba kundi ang Panginoon.
Depression
Sampung letra pero dito nasusukat kung gaano ka katatag, kung hanggang saan ang pananampalataya mo.
Kaya sana ay lumaban ka! Huwag mong hayaan na matalo ka at magtagumpay ang kaaway. Lagi mong tatandaan na walang ibibigay na pagsubok ang Panginoon na hindi mo kayang lampasan. Kilala ka niya at tatanggapin ka niya ulit kahit na ano man ang nagawa mo o gaano man ito gabigat.
And lastly....remember that Jesus is the Key. Kaya sa kanya ka lumapit kapag nahihirapan ka na dahil siya lang ang tanging makakaayos sayo, tanging siya lang.
You have no rival, You have no equal
Now and forever, Our God reigns
Yours is the Kingdom, Yours is the glory
Yours is the Name, above all names.