MOVE ON

42 3 0
                                    

How to move on?

Ewan....wala naman talagang definite way eh, basta kusa mo lang itong magagawa.

Minsan pinipilit mong kalimutan ang lahat para mawala ang sakit, pero anong nangyari? mas lalo ka lang nasaktan at nahirapan.

Hindi naman kawalan eh kung ikaw ang huling naka-move on sa inyo. Ang mahalaga ay natuto ka sa mga pagkakamali mo.

Pero kung talagang gusto mo ng maka-move on eh di libangin mo ang sarili mo.

Gawin mo yung bagay na nagpapasaya sa'yo, kahit na pansamantala ka lang na makakalimot, at least nabawasan yung bigat sa dibdib mo!

Pero ang huwag na huwag mong gagawin ay ang piliting magmahal ng iba.

Wag mong gawing panakip butas ang isang tao, dahil baka pagkatapos ka n'yang buuin, ay s'ya naman ang mawawasak mo.

Smile ka lang...

Isipin mo na kung talagang kayo ay kayo.

Pero wag ka lang palaging maghintay ah, kumilos ka din kung talagang feeling mo ay s'ya na.

Pero kapag hindi ay hayaan mo na.

Baka hindi lang talaga kayo ang itinadhana o may mas higit pa na nilaan para sa'yo ang Panginoon.


Wag maging bitter.

Wag mong ipakita na panalo sila.

Try mo namang ipakita kung ano ang sinayang n'ya.

I-improve mo ang sarili mo at enjoyin mo kung anong meron ka.

Well, sa totoo lang mahirap naman talagang mag-move on at makarecover.

Pero ang tatandaan mo ay walang permanente sa mundo. At ang sakit na nararamdaman mo ngayon ay mawawala din at mapapalitan ng saya sa paglipas ng panahon.

Always keep in mind na natural lang sa buhay ang masaktan.

At kapag nagmahal ka, matik na yun na masasaktan ka. Kahit na nagloko ka man o ikaw ang niloko, sa love masasaktan at masasaktan ka parin sa huli sa anumang paraan.

Pero kahit ganun paman ay wag kang matakot na muling subukan ang pag-ibig.

Dahil paano mo malalaman kung sino talaga ang para sa'yo kung hindi mo susubukan?

******
Paano mag-move on?

Ang totoo n'yan ang alam mo naman sa sarili mo kung paano, hindi mo lang talaga magawa.

Siguro dahil mahal mo pa.

Siguro hindi mo alam kung paano magsisimula.

Pero ang importante sa huli ay ang mga natutunan mo.

Hindi man naging kayo hanggang sa huli.

Binigyan ka naman n'ya ng magagandang ala-ala.

At yung mga natutunan mo ay magagamit mo sa muli mong pagbubukas ng iyong puso.

Tandaan: Hindi lahat ng pinagtagpo ay itinadhana, yung iba ay nakilala mo lang para matuto ka at mas maging mabuting tao at karapat dapat para sa taong para talaga sa'yo.



Binibining MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon