TO THE MAN ABOVE

44 9 0
                                    


Hindi ako perpektong anak

Gumagawa ako ng mali at nagkakasala

At minsan ay ang bilis kong bumitaw sa'yo

Hindi rin ako palaging nagsisimba

Ako rin yung tipo ng tao na mabilis magalit

Minsan din ay hindi ako sincere kung mag-pray sa'yo

Pero bakit?

Bakit sa kabila ng mga imperfections ko ay kapag nawala ako sa'yo ay hinahanap mo parin ako?

Bakit lagi ka paring nand'yan kapag may matinding pagsubok sa buhay ko?

At bakit napakabuti mo sa akin?

Panginoon, perpekto ka at pinaka makapangyarihan sa lahat

Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan

Hindi man ako perpekto ay ginagawa ko ang lahat para magbago at maging karapat dapat na anak mo.

Kahit na mahirap ang sitwasyon ko ay kinakaya ko parin dahil sa'yo

God, alam mo naman na lumalaban parin ako sa buhay dahil sa'yo diba?

Kaya maraming salamat dahil palagi kang nand'yan. Maraming salamat sa pagmamahal mo, maraming salamat dahil binago mo ang isang tulad ko.

Ang dating mahina, ngayon ay nagkaroon ng lakas, ikaw yun Panginoon.

Ang dating madaling sumuko ngayon ay nagkaroon ng motibasyon na lumaban hanggang dulo. Yun ay dahil pinili mo ako. I have chosen by you, oh God.

Ang dating maliit ang pananampalataya ay ngayon naglalagablab ang apoy sa puso.

At ang dating ako ay wala na...tuluyan ng nagbago.

Wala na ang dating ako dahil binigyan mo ako ng panibagong buhay at pagkakataon.

Lord sobrang 'great, omnipotent, almighty, mo at ikaw ay walang katulad. Patawad dahil hindi ko yun nakita agad. I love you, oh Lord with all my heart and soul. I love you 'til the end of time. Forever I am for your use only. I will fight with you until the end. Thank you for my life, thank you for being with my life. I am nothing without you. So I need you at all times. You alone.

Please play: When God Ran :)

Binibining MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon