1. Money is not everything
Money can buy you things but not the best things.May mga bagay na hindi kayang bilhin ng pera gaya ng good memories, pagmamahal, respeto, family, friends, good heart and soul, care, faith, health, wisdom, hope, and true happiness.
Kaya wag mong hayaang maging center ng buhay mo ay puro pera nalang.
Life is so much more than that.
2. Wag magpadala sa emosyon.
Minsan kapag nauunahan tayo ng ating emotions, hindi natin namamalayan na nakakagawa na tayo ng mali.Kaya dapat kalma muna, isipin mo munang mabuti bago ka gumawa ng isang bagay, wag kang basta-basta nagde-desisyon dahil lang nasaktan ka, nainis ka o nagalit, niloko ka, o ginawan ng masama kasi baka pagsisihan mo yun sa huli at minsan nagiging habit mo narin ang ganung reaction pag napangunahan ka ng feelings mo.
Learn to handle your emotions.
3. Kay God mo lang mafe-feel ang contentment at fulfillment.
I know hindi lahat ng tao ay naniniwala kay God pero I swear, siya lang ang makakapag-fill ng emptiness mo.
Wala namang perpektong tao eh, minsan nakakagawa tayo ng mali kahit alam natin kung ano ang tama, minsan nagmumura tayo, sumasagot sa magulang, nagsisinungaling, at minsan nade-depress to the point na sinisisi natin siya sa mga failures natin sa buhay.
Ang dami nating tanong sa kanya, minsan lagi tayong nagrereklamo at hingi ng hingi sa kanya but hindi natin nakikita ang magagandang bagay na binigay niya. Hindi natin iniisip na may plano siya para sa'tin. Minsan nabubulag tayo sa inggit, galit, at regrets sa buhay. Pero kahit na ganun, dadating din sa point na maiisip natin na napakawalang sense ng lahat kung wala si Lord sa buhay natin. At dun natin mare-realize na siya lang ang kailangan natin para sumaya, maging better person, makilala ang ating sarili, at higit sa lahat maging kontento sa buhay.
He's all we want, he's all we need.
Kaya mag-repent kana, magsisi ka sa lahat ng kasalanan mo at isuko mo na lahat ng meron ka sa kanya, gawin mo siyang first priority. Papatawarin ka n'ya at babaguhin, and for sure you will be blessed.
And it will be worth it.:)
4. Don't force love.
Love is a blessing, kusa itong nararamdaman ng ating mga puso.
Marami ang nagtatanong kung anong pipiliin mo, mahal mo o mahal ka. May iba na pipiliin ang mahal sila kasi daw natuturuan naman daw ang puso.
Sa totoo lang may mga nangyayari ngang ganun, na natutunan nilang magmahal ng taong mas una silang minahal pero hindi ito applicable sa lahat kasi kahit na sobrang bait, gwapo o maganda, yaman, at boyfriend/girlfriend material pa ng isang tao, kung hindi talaga siya ang mahal mo hindi mo na mapipilit yun.
Kaya wag kang papasok sa isang relasyon dahil lang sa awa, dahil lang malungkot ka, o dahil feeling mo kailangan mo.
Hindi yun ganun, magmahal ka lang kapag handa ka na, kapag tama na yung tao at panahon. At kapag mahal mo talaga siya.
Wag kang masyadong magmadali para mapunta sayo ang pinaka the best na nilaan ni God. Dun ka sa fine dining, wag sa fast food. Always remember na kapag naghintay ka ng matagal siguradong maganda ang outcome.
At diba sabi nga ni Kathryn kay Daniel sa movie nilang Barcelona.
'Mahalin mo 'ko dahil mahal mo'ko hindi dahil mahal kita, cause that's what I deserved.
Love is better when it's true kaya wag kang mag settle sa maling tao
kasi pareho lang kayong masasaktan in the end.4.The right time to kiss your boyfriend/girlfriend is on your wedding day.
Narealize ko lang to nung mapanood ko ang kwento ni Moira sa MMK. At kaya pala laging sinasabi ng pari o pastor sa mga kinakasal na 'You may now kiss the bride' at hindi ' You may kiss the bride like what you've done days/weeks/months/years ago kasi sa mismong kasal n'yo palang kayo pwedeng mag-kiss. Siguro nga kaya maraming nae-engage sa premarital sex dahil ginagawa nila ang mga bagay na hindi pa dapat. And come to think of it, sa kiss nagsisimula lahat ng yun, because it brings fire to those couple. At minsan din, hindi na tungkol sa love ang relationship ngayon but it will be for lust.
If someone truly loves you, he will wait for the perfect time and together you will reach your dreams. He will respect you no matter what.
True love is patient.
True love waits.