HINDI KA GWAPO

66 13 0
                                    


Hindi ka gwapo

At wala ka ring abs

Nung una kitang makita

Akala ko pa bakla ka

Naging malapit tayo sa isa't isa

Laging nag-uusap, nagbibiruan, at masaya lang

Tumagal iyon ng ilang taon

At mas lalo nating nakilala ang isa't isa

Hanggang isang araw

May naramdaman akong iba

Nung una hindi ko matanggap

Kasi nga bakit ikaw pa?

Ikaw na nag-iisa kong kaibigang lalaki

Na sobrang close ko na

Ilang araw pa ang lumipas

Hindi ko parin matanggap

Kahit na alam ko sa sarili ko na may iba sakin

Pinilit kong magbulag-bulagan at ang nadarama'y nakalimutan

Pero ang hindi ko magawa ay ikaw ay iwasan

Kasi masaya ako sa t'wing kasama ka

Sa sobrang bilis ng tibok ng puso

Ay halos mabingi ako pag malapit ka

At kapag naman may iba kang kausap

Ay nasasaktan ako, palihim na ngumingiti

At nagtatanong, ano ba'ng nakita ko sa'yo

Bakit pinagdadamot kita?

Bakit ayokong nakikita na may iba kang tinitingnan?

At higit sa lahat bakit hindi ko parin matanggap na mahal na yata kita?

Ni hindi ko nga masabi sa iba dahil baka tuksuhin ako

Dahil sa nararamdaman ko sa'yo

Ay lagi kitang tinutulungan

Ayoko kasing mahirapan ka

Ewan ko ba pero mahal nga kasi kita

Mahal kita kahit hindi ka pogi

At kung hindi ko talaga masabi sa'yo to sa personal

Dito ko nalang sasabihin lahat

Tutal hindi mo naman 'to mababasa

Sana bumalik na yung dati nating closeness

Kasi napapansin kong lumalayo ka

Alam mo bang nasasaktan ako?

Nasanay kasi na lagi kang nandyan

Pero kung talagang makakatulong din

Para makalimutan ko na gusto kita

Handa akong lumayo,

Kahit sa totoo lang

Hindi ko kaya

Salamat dahil kahit hindi ikaw ang type ko

Sayo ko naman naramdaman at natutunan kung paano magmahal

Ikaw

Ikaw na hindi pogi

Pero minahal ko ng Sobra

Binibining MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon