SINONG NAGBAGO?

43 9 0
                                    


Mga panahong mahina ako

Wala akong makapitan sa oras ng bagyo

Lahat nalang ng tao ay iniwan ako

Maging ikaw na pinakamamahal ko

Sinisi kita sa mga nangyari sa akin

Inisip ko noon na hindi mo ako mahal

At wala kang pakialam

Tinanong kita noon kung bakit mo ako pinabayaan

Bakit mo hinayaan ang anak mo na masaktan

Hindi lang isang beses kitang sinabihan ng masasakit na salita

Naalala ko pa kung paano ako lumayo sa iyo aking ama

Sarado ang aking isip at hindi ko makita

Ang mga plano mo para sa akin ay di ko alintana

Habang ako'y lumalayo ay mas lalo akong naliligaw

At ang tanging nais ko ay makabalik sayong presensya

Mahal kong ama nagmakaawa ako sa'yo para muli mong tanggapin

At hindi ko batid na lahat pala ng dasal ko ay iyong naririnig

Napakabait mong tunay

Ako'y pinatawad mo sa aking mga kasalanan

Ngayon nasagot na ang aking katanungan

Na ako pala ang nagbago at hindi ikaw

Ikaw ay pag-ibig at hindi yun nagbago

Patawad ama dahil nagkasala ako

Mahal na mahal kita at aking pangako

Na habambuhay kitang pupurihin hanggang sa huling hininga ko

Binibining MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon