DEAR SELF

55 12 0
                                    


Dear Self:

Laban lang

Wag kang sumuko sa laban

Kahit na anong mangyari

Huwag sanang magbago ang iyong ugali

Self, kahit na hindi man palaging masaya ang buhay mo

Wag ka wag ka paring sumuko

Wag mo ding pababayaan ang sarili mo

Dapat ay mas alagaan mo pa ito

Kasi wala namang ibang mag-aalaga sa sarili mo kundi ikaw lang

Kaya self, dapat go lang

At tsaka, wag ka rin palang masyadong seryoso

Kasi mas masaya ang buhay kapag hindi ito planado

Huwag ka ding mai-insecure sa iba

Unique ka self, awesome pa

Thank you din self, kasi kinaya mo lahat ng problema

At dahil dun karapatan mong sumaya

Pinagkait man iyon sa'yo ng tadhana

Sa tingin ko ngayon ay handa ka na

Kalimutan lahat ng masasakit na ala-ala

Magsimula ng bagong buhay kasama ang pamilya

Maging masaya at totoo

Yan sana lagi ang pakakatandaan mo

Self, wag kang mag-iisip ng negative huh?!

Lagi kang maging positibo at masaya

Kalimutan mo na lahat ng sakit

Kahit na ang kahapon ay sobrang pait

Magagawa mo yan self

Tiwala lang lagi

Ngayon ay magsisimula ka ulit sa umpisa

Parang laro lang kapag ay natalo ka

Ang mahalaga self, ay natuto ka

At hindi ka na ulit magiging miserable pa

LABAN

Para sa magandang kinabukasan

Ipagpatuloy mo lang ang lahat ng 'yong sakripisyo sa buhay

Hanggang sa makamit mo ang tamis ng tagumpay.




Nagmamahal,

Beautiful Soul :)

Binibining MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon