Magkakaiba ang mga tao.
Magkakaiba din ng kwento.
Magkakaiba man ay may dalang aral ang mga ito sa buhay mo.
Eto sila:
1. Nagbibigay inspirasyon
-may mga tao tayong makikilala na magbibigay sa atin ng inspirasyon sa buhay.
Inspirasyon na pagbutihin ang ating mga ginagawa, inspirasyon na maging mas mabuting tao, inspirasyon na makatulong sa iba. Kaya dapat sumama ka sa mga taong ito dahil sa kanila ka matotoo na magbago para mas maging mabuti kang tao.
These people will change you in a positive way.
2. Dumating para mambwiset
-Sa buhay hindi mo maiiwasang makakilala ng mga taong magbibigay sa'yo ng sakit sa ulo, na kahit na anong bait mo, mapupuno at mapupuno ka talaga kapag sila'y nakasama mo.Alam mo ba yung feeling na makita mo lang ang isang tao, maiirita ka na?
Kasi kilala mo na sila, alam mo na ang ugali nila, ugali nila ay bwisetin kaa hanggang sa mapuno ka na. Sila yung tipo ng tao na ayaw mong makasama ng matagal at mas pipiliin mo pang makasama ang mga alaga mong hayop kaysa sa kanila.
I swear makakakilala ka rin ng ganitong tao at kapag nakilala mo sila ay masusubok talaga ang pasensya mo.
Ang dapat mong gawin kapag nakasama mo sila ay maging positive lang, think positive ganun, kasi negative sila eh. And opposite attracts, kaya pag negative yung tao, dapat positive ka lang kung hindi ay away talaga yan. Makakasakit ka lang kasi sasabihan mo siya ng masasamang salita, at hindi yun mabuti para sa'yo.
- Hindi mo maiiwasang makakilala o makasama ang mga ganitong tao, Kaya dapat alam mo sarili mo na kakayanin mo at kaya mong kontrolin ang sarili mo sa kahit na anong oras at sitwasyon.
Syempre kaya mo yun! Ikaw pa ba eh extraordinary ka kaya. Idol kita eh.
3. Plastic, toxic
-Hindi lahat ng pinapakita sa'yo ng isang tao ay totoo, naglipana ang mga plastic sa paligid kaya wag ka agad agad magtitiwala.
Sanay na ako sa mga ganitong tao eh pero hindi ko kailangang makipag-plastikan sa kanila, kasi diba pag sinabayan ko yung kaplastikan nila ay parang wala na din kayong pinagkaiba?!!
Ito yung mga taong pwedeng mag-artista eh, kasi magaling silang magdrama. Sila din yung magaling mambola, mang-uto at mangloko ng iba. At walang totoo sa pinapakita nila. Kumbaga, mapagpanggap na plastic, mga hayop.
Kaya dapat hindi mo ibinibigay ang tiwala mo agad agad, kasi tandaan mo ang demonyo ay dati rin yang anghel. Ang tiwala ay ibinibigay lang sa mga deserving na tao, hindi sa mga plastic na toxic pang mga demonyo. XD
Ngingitian ka nila kapag magkaharap kayo, pero sisiraan ka nila pagnakatalikod ka. Hindi mo alam na kinakaibigan ka lang nila para siraan ka sa iba. Buti pa nga ang mga aso eh, loyal pero sila? Hindi mo sila maasahan. Iiwan ka din nila kapag wala ka ng pakinabang! Kasi hindi naman tao ang tingin nila sa'yo kundi gamit. Kaya nga tinawag silang mangagamit.
Pre, dapat alam mo ang totoo sa plastic para matapon mo na kasi toxic.
Toxic lang sila sa buhay.
4. Dumating para ika'y saktan
- Sabi nila kung sino daw yung sobra mong minamahal ay sila pa yung sobra kang sasaktan.