I LOVE MATH

44 4 0
                                    


Kapag nakakakita ako ng numero ay nasasabik ako.

Sa tuwing may mga variables, equations, ratio, algebraic expression, at operations ay sumasaya ang puso ko.

Hindi ko alam kung bakit ganun!

Siguro natutunan ko nang mahalin ang mga numero. Nagsimula yun nung high school ako.

Nung elementary ay labis akong na-trauma nung nilagnat ako tapos ay sobrang tagal akong pinauwi ng guro namin, ako yung huling estudyante na pinalabas niya nun ng classroom. Bakit? Dahil hindi ko maintindihan yung tinuturo niya, which is kung paano mag-divide.

Sobrang naging hate ko talaga yung subject na yun dahil sa naranasan ko. At dumagdag pa yung kaklase kong bida bida na laging sumasagot sa lahat ng tanong ng aming guro, para bang s'ya lang yung mag-aaral sa silid na iyon. Kakatwa dahil kagaya ng iba ay kinamuhian ko rin ang Math, ayoko sa numero nun, ayoko sa lahat ng tungkol sa subject na iyon.

Pero bigla nalang nagbago yung pananaw ko, dahil sa aking guro. Hindi ko alam kung bakit ako pa yung pinili niyang isa sa nga mag-rerepresent para sa mtap challenge na yun. Nung una pa-chill chill lang ako, hindi nag-aaral kahit na alam ko na may contest akong sasalihan. Grabe first time kong sumali sa mga ganun tapos Math pa talaga. Eh di talo na ako.

Masaya naman kami nun kasama ang iba pang contestant, gumala kami at nilibot ang paaralan kung saan kami ilalaban sa iba pang mga contestant.

Grabe, nung nagsimula na kami sa pagsagot. Parang gusto ko ng umuwi, ang hirap! Sobrang hirap, sumakit ang ulo ko nun kakaisip. Whoah.

Syempre, ako na walang pakialam kung mananalo o hindi ay nakampante lang sa isang tabi habang ina-anunsyo yung score namin. Pagsasamahin kasi yung score ng tatlong participants at kung sino ang may pinakamataas na score ay siyang mananalo.

At nanlumo, dahil sobrang nakakahiya yung score ko, pinakamababa sa lahat ng mga kasamahan ko. Grabe, sobrang bigat sa dibdib ang resulta na yun. Yung tipong okay na sana na mababa yung score ko kung pati yung kasama ko ay ganun din pero hindi eh.

Pagkatapos nun, bigayan na ng award at kami naman ay tahimik lang na nakaupo habang nakatingin sa mga estudyante na may matatanggap na medalya dahil talaga namang nagsikap sila ng husto hindi katulad ko.

Nung oras na yun habang nakatingin ako sa lawak ng ngiti ng kanilang guro habang sinasabitan sila ng medalya ay may napagtanto ako. Ako yung pinili ng guro namin kaya kailangang ipakita ko na deserving ako sa desisyon niyang yun. Nachallenge ako nun, at nacurious ako sa Math. Sa numero, sa mga formula, sa x at y, sa lahat na pwedeng maiugnay sa Math.

Nung sumunod na taon ay isa parin ako sa pinili ng aming guro para mag-represent sa Mtap. Masaya ako kasi nabigyan ako ng chance na patunayan ang sarili ko. Ginalingan ko, nag-aral ng husto at unti-unting minamahal ang subject na iyon, ang Math.

At nainspire din ako sa isang lalaki nun na sobrang talino, every contest sila yung pinaka may mataas na score at siya yung nagbubuhat sa mga kasama niya. Grabe, naisip ko tuloy kung tao pa ba siya. Sabi pa ng guro namin ay sobrang talino daw talaga nung tao na yun, kahit na self study ay makukuha nya agad. Ganun siya kalupet!

Bumilib ako sa kanya nun, humahanga dahil lagi siyang nakakatanggap ng award. Pero ang ipinagtaka ko lang sa kanya ay kung bakit parang malungkot siya, hindi siya nakangiti habang umaakyat sa stage. Ewan, pero basta gusto kong maging kagaya niya...na magaling sa Math.

Habang tumatagal ay nakakabawi narin ako dahil tumataas na ang scores ko. Minsan pa nga ay pinuri ako nung guro namin at pinagmalaki kaya sobrang saya ko nun. At syempre hindi ko yun makakalimutan, napakabait at swerte ko sa dati kong guro.

Bonding, marami na rin akong magandang ala-ala kasama sila. At patagal ng patagal masasabi kong inlove na nga ako......sa Math.


Binibining MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon