Kontento na 'ko sa pagbabasa ng mga kwento
Wala namang masama dun kaya ito ay nakahiligan ko
Iba't ibang emosyon ang naibibigay sa'kin ng pagbabasa
Lungkot, galit, pighati at lalong lalo na ang saya
Minsan pa nga sa sobrang adik ko na dito ay nagmumukha na'kong baliw sa paningin ng iba
Pa'no ba naman ay bigla bigla nalang akong iiyak at saka tatawa
Pero okay lang sa'kin yun kasi mahal ko naman ang aking ginagawa
Matagal na'kong nagbabasa ng kwento sa wattpad
Iba't ibang genre na ang aking nabasa
May horror, teen fiction, action, at marami
pang ibaHindi lang ako nage-enjoy kundi ako ay natututo pa
Nalaman ko ang ibang lenggwahe dahil lang sa mga kwentong nabasa
Natuto din ako kung paano magpahalaga sa iba
Kung paano maging malakas sa kabila ng mga problema
At maghintay ng taong inilaan para sa akin ng tadhana
Dahil sa wattpad ay nagagawa kong lampasan ang masakit na katotohanan
Kapag may problema kasi ako ay ito ay aking nagiging takbuhan
Inaabangan ko lagi ang update ng aking paboritong manunulat
Worth it naman kasi ang paghihintay ko sa kabila ng lahat
Pinapangarap ko na maging katulad din nila
Masaya naman ako sa pagbabasa pero gusto ko din gumawa ng storya
Gusto kong ikwento ang mga hindi ko pa nababasa
Kaya naman sa paraan ng aking imahinasyon ay dun ko 'yon mapapakita
Salamat wattpad dahil nag-exist ka
Naging kaibigan ka sa akin pati narin sa iba
Dahil sa'yo ay pansamantala naming nalilimutan ang aming mga problema
At nagkaroon kami ng sandalan at pati narin mga kaibigan
At alam kong hanggang sa pagtanda namin ay hindi namin makakalimutan