Ngayon ay nakakita ako ng isang batang pulubi at sobrang nakakaawa ang kanyang sitwasyon. Naisip ko na sobrang hirap ng pinagdadaanan niya, dahil bata palang siya pero naranasan na niya ang kahirapan at kalupitan ng mundo.
Dun ko naisip na bakit kaya may mga taong sobrang naghihirap habang yung iba ay sobrang nagpapakasarap lang sa buhay. Naisip ko din na deserve ko ba ang buhay ko? Na hindi ko pinaghihirapan ang pera na nilulustay ko. At minsan pa ay kung ano ano lang ang binibili ko, kahit yung mga hindi ko kailangan.
Bakit may mga taong sobrang yaman at lalo pang yumayaman? Habang yung iba ay lalong naghihirap?
Pero naisip ko din sa kabilang banda, anp nga ba ang totoong kahulugan ng pagiging mahirap? Yun bang wala kang pera, tahanan, magagandang damit, at mamahaling gamit O yung kahit na meron ka nung mga bagay na yun ay hindi ka parin masaya?
Naisip ko na bakit kaya may mga taong mahihirap na ang ganda ganda ng mga ngiti tapos yung mga nakakaangat sa buhay naman ay parang hindi na yata marunong ngumiti, tila ay nakalimutan na nila ang bagay na yun.
Bakit yung mahirap na tao ay kontento na sa simple nilang buhay habang yung mayayaman ay namomroblema pa kung paano sila mas yumaman. Stress sila at feeling nila ay pera lang ang solusyon sa lahat kaya hindi sila pwedeng mawalan nun.
Pero hindi ko sinasabi na huwag kang mangangarap ng mataas dahil tatanda kalang na marami ang haharaping problema kapag nakaangat ka sa buhay dahil mayroon ding iba na marunong makontento at makisama sa ibang tao kahit na hindi nila ito ka-level.
Ang sinasabi ko ay dapat alam mo sa sarili mo kung ano ba talaga ang tunay na kayamanan sa mundo. Isipin mo, may isang mahirap na pamilya pero sobrang saya nila at punong puno sila sa pangaral ng mga magulang nila at pagmamahal.. Ang sayang pakinggan diba? At meron namang mayamang pamilya na nakakabili nga ng mga gusto nila pero hindi naman sila kompleto, masaya, at nagmamahalan. Yung iba ay wala pang respeto sa kapwa, nagtatapon lang ng basura kung saan saan, nangmamaliit ng kapwa.
Ang tunay na kayamanan ay ang relasyon natin sa ating kapwa, ang ating magandang ugali, magandang pakikitungo sa iba at dapat hindi lang tayo laging pa-cool o sunod lang sa kung ano ang uso, dapat ay marunong din tayong tumulong sa kapwa. Narealize ko na hindi mo pala kailangang maging mayaman para maging masaya at maging kontento sa buhay pero dapat ay mangarap ka parin para maging maayos ang iyong buhay.
Ang kabutihan sa ating puso, tunay na kasiyahan, puno ng pagmamahal, at magandang kaluluwa ay ang ating treasure sa buhay dahil hindi ito kailan man maagaw ng iba o mawawala.
To God Be The Glory!
You have no rival, You have no equal
Now and forever, Our God reigns
Yours is the Kingdom, Yours is the glory
Yours is the Name, above all names
What a powerful Name it is
What a powerful Name it is
The Name of Jesus Christ my King 🎵🎶💖