S'ya na kaya?
Ang sa akin ay itinadhana?
Ang binigay sa akin at aking hiniling
Sa pagkakataong ito siya na ba ang huli kong iibigin?
Nakatingin sa mga tala habang nakapikit
Naghihintay ng kasagutan mula sa langit
Ang pag-ibig ba ay talagang mahirap intindihin?
O mali pa ang pagkakataon at ang taong aking piniling ibigin?
Masaya kami at ayoko siyang mawala sa akin
Habang tinititigan ko siya ay napapangiti ako ng palihim
Ang swerte ko sa taong 'to
Mabait, mapagmahal, at kayang sakyan lahat ng trip ko
Pero ano nga ba ang alam namin sa mundo
Kung masyado pa kaming bata para dito
Pero ganun pa man ay gusto ko siya na makasama sa buhay kong 'to
Sabay naming tutuklasin ang aming mga mundo
At pareho kaming madadapa at magkasama ding tatayo
Siguro ay hindi nila maiintindihan
Maraming huhusga pero hindi nila kami mahahadlangan
Pag-ibig namin ay aming hiniling sa makapal
Kaya siya ang aming uunahin at mananatili kaming marangal
At magiging masaya kami balang araw at kami'y ikakasal
Magkakaroon kami ng pamilya at masayang magsasama
Pag-ibig ay sadyang nakakamangha pala
Lalo na't alam mong siya na talaga
Salamat at akin itong naramdaman
Ang buhay ko ngayon ay nagkaroon ng kahulugan
Abot langit ang aming mga ngiting haharapin ang kinabukasan
Salamat sa pagmamahal ama
Salamat at ibinigay mo siya
Salamat at pangako ikaw parin ang una