[Third Person]
Binigyan ng 30 minutes ni Keira si Adara para sagutan ang exam. Habang nagsasagot siya ay bahagyang gumaan ang pakiramdam niya dahil halos alam niya ang lahat ng nakapaloob sa ibinigay na exam. Hindi rin naging abala kay Adara ang paghingi sa kaniya ng isang artikulo ng balita. Limang minuto bago matapos ang kaniyang tatlumpung minuto ay tumayo siya at iniabot ang papel kay Keira. Sinabihan siya nitong pumasok sa pinto na nasa loob din pala ng kwartong kinaroroonan nila.
Kumatok siya nang tatlong beses at dahan-dahang binuksan ang pinto.
"Good afternoon, sir," bati ni Adara sa lalaking nakasubsob sa table nito.
Tulog ba siya?
"Sir?" tawag niya ulit dito. "For interview po ako for internship sa ACF Net," pagpapatuloy niya.
"Sabi ko kasi sa'yo Keira dapat si Kuya na lang ang pinapunta mo rito e. I'm so sleepy," antok na wika nito nang hindi nag-aangat ng tingin.
"S-Sir, tawagin ko po ba si Ms. Keira?"
Nag-ayos ito ng upo ngunit nakapikit pa rin. "Sige, tawagin mo nga."
"Sam Spencer Smith?" mabilis na utas ni Adara pagkakita sa itsura ng lalaki. Ito iyong lalaking nagdala sa kaniya sa clinic. Ito iyong guwapong gentleman!
Nagkusot kusot ng mata si Sam at pinakatitigan ang gulat na mukha ni Adara. "Ikaw?" Dali-dali itong tumayo at lumapit kay Adara. "How's your hip bone?"
"O-Okay naman po wala naman daw nabali. K-Kayo po ba ang mag-iinterview sa akin?"
Napakamot ng ulo si Sam. "Yeah. Kaya pasensya ka na kanina nagmamadali ako kasi maraming applicants."
"It's okay, sir! Don't worry po, okay lang ako," paninigurado ni Adara.
"Good to hear that. I'll treat you to lunch na lang on your first day para makabawi ako sa'yo. Okay lang ba?"
"Po? Sa first day ko?" Tila ayaw mag-sink in sa utak ni Adara iyong sinabi ni Sam.
"Yes, sa first day mo," nakangiting pag-kumpirma nito sa kaniya. "So is that a deal?"
"OMG! Tanggap na po ako? Thank you po! Thank you, sir!" Nagtatalon sa tuwa si Adara at wala siyang pakialam kung mukha ba siyang tanga basta masayang masaya siya. Natatawa si Sam habang pinanonood si Adara na tuwang tuwa sa sinabi niya.
She's so cute.
Umupo si Sam sa edge ng table niya at chineck ang folder na nasa ibabaw nito. "So you are a 4th year Mass Communication student. Okay ka lang ba sa Entertainment Department? Kasi right now, ayaw pang tumanggap ng intern ng News Department. But if you want a tour sa News Department, sasamahan kita."
Adara just can't find the right words to say kaya puro tango lang siya sa mga sinasabi sa kaniya ni Sam. Magsisimula siya next week at sinabihan na lang siya ni Keira na magpasa ng mga further requirements pagpasok niya. Maging si Keira ay nagulat sa mabilis na pagkapasa nito, pero hindi na siya nagtanong pa nang sabihin ni Sam na final na ang desisyong iyon.
"Kilala mo siya?" tanong ni Keira kay Sam pagkaalis ni Adara.
"Hmmm. Yes?" parang hindi siguradong sagot ni Sam.
Kumunot ang noo ni Keira. "Ha? Di ka sure? Tapos pinag-start mo na next week? Are you in the right mind?"
"Yes, I am in my 100% right mind," malapad na ngiting sagot nito.
Keira just sighed. Siya mismo ay naguluhan kung nasa tamang pag-iisip ba ang kaibigan. Mali nga yatang sinunod niya ang utos ni Christian na si Sam ang papuntahin ngayong araw. Pero sigurado siya na malamang ay ayaw rin ni Christian na pumunta today kaya sa kakambal niya ito ipinagkatiwala.

BINABASA MO ANG
STS #1: Dauntless [COMPLETED]
Romance[Smith Twins Series #1] Top secret agent Christian Klein Smith and aspiring journalist Adara Olivia Alejo are determined to expose and bring Governor Almendras down. But as they dig deeper into his corrupt and illegal ways, they find themselves tang...