KABANATA 21

11.2K 370 37
                                    

[Adara]

Medyo nanginginig pa rin ang mga tuhod ko pagkalabas ko ng study room ni Don Franco. Thank God I managed to keep my composure inside at hindi ako nagmukhang batang paslit na kaya niyang i-bully.

We talked nicely actually, but I could sense real danger during our conversation. He may not have directly told me to mind my own business, but I know that was what he's trying to hint me. Hindi naman ako ganoon katanga para hindi makuha iyon.

Habang pababa ako ay naroon na si Eli, hinihintay ako. "Anong sinabi sa 'yo ni Papa, Adara?" Hinawakan niya ako sa siko.

Nagkukuskos ng mga gamit iyong katiwala kanina na nagpapasok sa akin dito. Malamang ay itong nagsabi kay Eli kung bakit ako nandito.

Tinanggal ko iyong kamay niya sa braso ko. "Kinamusta lang ni Don Franco ang pag-aaral ko," sagot ko. Naglakad ako palabas at sinundan niya ako.

"Hindi ka basta ipatatawag ni Papa para kamustahin lang. Tell me, baby, what he really told you." He tried to reach for my arm again.

"Eli, please. Stop calling me that. We're over."

He managed to reach me again and he made me face him. "But you still love me!"

Whether we still love each other, we still can't be together. Bakit ba hindi niya maintindihan? He knows his family better. Sana hindi na lang nagbago iyong isip niya. Sana pinanindigan na lang niya iyong desisyon niya noon na iwan ako at piliin ang pamilya niya. Because that's the best for us! At ngayon ko mas naintindihan iyong ginawa niya.

"It doesn't matter anymore. Focus on your marriage, Eli," malamig na tugon ko.

"What? Who told you that shit? Si Papa? Si Mama?" Humigpit ang hawak niya sa braso ko. His eyes were telling me to not believe it. "I won't marry that woman," deklara niya.

"I already like someone else." I'm sorry, Eli. I have to do this. Kailangan kong gawin ito para sa 'yo. This is the best I can do for you.

Tinignan ko siya ng seryoso. "Gusto ko naman ng normal na relasyon, Eli." He was caught off guard. Hindi niya inaasahan iyong sinabi ko.

Unti-unting lumuwang ang hawak niya sa braso ko at kinuha ko ang pagkakataong iyon para makalabas ng mansyon.

Patawarin mo ako, Eli. Patuloy kong ipagdarasal sa Panginoon ang paghilom ng puso mo—ng puso nating dalawa para sa mga taong mas nararapat para sa atin. Patuloy kong ipapanalangin sa Diyos ang tunay na kaligayahan para sa 'yo.

Eli deserves to be happy. He is one of the most selfless persons I know dahil laging kapakanan ko ang prayoridad niya hanggang dulo. Kaya gagawin ko ang lahat masiguro ko lang ang kaayusan ng buhay niya. Even if it means hurting myself too.

Naglalakad akong parang tanga at hindi alam kung saan pupunta. My feet just kept on walking hanggang sa mapansin kong wala nang tao sa paligid ko. Napakapayapa ng paligid. Tanging paghampas lang ng alon ang pumapaibabaw sa pandinig ko. Lumapit ako sa dagat at umupo sa tabi ng dalampasigan. Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga nang malalim.

I cried all the pain in my chest. The pain of betrayal of my best friend and the pain of sacrificing my love. Sana isama na lang ng mga alon na ito ang sakit na nararamdaman ko. Kailanman, hindi ako naghangad nang sobra para sa sarili ko. Gusto ko lang ng kapayapaan. Peace of mind is all I ask.

Niyakap ko ang sarili ko sa pag-ihip ng malamig na hangin. I kept my eyes shut and savoured the temporary peace I have. I let my tears keep falling down my face.

"You'll get sick if you stay here longer."

A voice suddenly echoed from behind me. Kahit na hindi ko imulat ang mga mata ko, I know it's Christian.

STS #1: Dauntless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon