KABANATA 8

14.5K 533 51
                                    

[Adara]

MABILIS akong dumistansya at nag-iwas ng tingin kay Christian nang marinig ko ang boses ni Sam.

"Huy! Naligaw ka, 'no?" obvious niyang tanong.

"M-Medyo. Dapat may pa-mapa kayo sa mga bisita niyo rito para 'di maligaw," sagot ko na tinawanan lang niya.

"Tara sa salas, hinihintay ka nina Athena at Althea."

"Naku, Sam, kailangan ko na sigurong umuwi. Maaga pa pasok ko bukas, alam mo naman."

Ngumuso siya sandali pero ngumiti rin naman ulit siya sa huli. "Okay, fine. I'll send you home na. Pero promise me isasama mo 'ko sa mga taping ni Pierre!"

Kung hindi ko lang siguro alam na super fan lang talaga siya ni Pierre ay pagkakamalan ko na talaga siyang bading na may crush dito. Sino ba naman kasing straight na lalaki ang mag-fa-fanboy over an actor? Unless action star or an athlete siguro pwede pa, pero actor sa isang love team?

Sam's one of the very few percent.

Hindi na ako nakapagpaalam sa parents at mga tito niya dahil kasalukuyan daw na nasa conference room ang mga ito para sa isang client meeting. Grabe! Kaya siguro sila yumaman nang ganito dahil hanggang sa bahay ay nagtatrabaho pa rin sila.

Nagba-bye ako sa kambal na sina Altea at Athena. At nang palabas na ang sasakyan namin ng gate, nakita ko si Christian mula sa side mirror. Nakapatong ang mga kamay nito sa bakal na railings ng kanilang mansyon habang pinanonood kaming papalayo.

Hanggang ngayon, hindi mawala sa isipan ko iyong sinabi niya kanina. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin do'n. Gustong magbigay ng sagot ng utak ko pero ayaw mag-assume ng puso ko.

Nakababa ako ng kotse ni Sam na iyon pa rin ang iniisip ko. Hindi man nga lang ako nakapagpasalamat sa sobrang occupied ng utak ko. At ang masaklap pa ay mali rin itong pinagbabaan ko. Napabuntonghininga na lang ako. Ite-text ko na lang siya para hindi masyadong nakahihiya.

Dalawang kanto pa bago ako makarating sa apartment ko. Medyo madilim lang sa daanan dahil sa nasira iyong poste noong isang araw at hanggang ngayon ay hindi pa pala naaayos. Binilisan ko ang lakad dahil parang may nakasunod sa'kin. Hindi ako duwag sa dilim, pero sa panahon ngayon, medyo nakatatakot mag-isa sa dilim ng Maynila.

"E-Eli?"

Medyo nagulat ako nang harangin ako nito. Naka-hoody ito at kung hindi ko lang siya lubusang kilala ay baka napagkamalan ko na siyang masamang tao.

Bakit ba siya nandito?

Dahil sa kaunting distansya lang ang mayroon kami ay amoy na amoy ko ang espiritu ng alak sa kaniya.

"Sino 'yong kasama mo?" seryoso niyang tanong. He pinned me against the wall at mas inilapit niya ang sarili sa'kin.

"Boss ko' yon sa kompanyang pinag-te-training-an ko ngayon. Bakit ka nandito? Lasing ka ba?"

"Boss? Boss mo na hinatid ka hanggang bahay?"

"Eli pwede ba? Nag-usap na tayo kanina. Please?"

"No, Adara. I won't leave you. Hindi na 'ko aalis sa tabi mo. I promise to protect you this time."

Oh, Eli. How I'd love to hear those words years ago. Pero ngayong mas naiintindihan ko na ang lahat, gusto ko na lang matahimik.

"Pareho tayong mas masasaktan sa ginagawa mo. At kapag nalaman ni Senyora Catalina na nandito ka, siguradong iisipin na naman niyang sumisira ako sa usapan. I just want a peaceful life for my family, Eli. Ayokong madamay sila dahil lang sa galit ng pamilya mo sa'kin."

STS #1: Dauntless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon