KABANATA 24

11.1K 356 27
                                    

[Adara]

Grabe talaga.

Hanggang sa pagligo ko, nasa utak ko pa rin iyong mga murder cases. May bagay na namumuo sa utak ko na naipagtagpi-tagpi ko kanina, pero ano pa ba'ng slbi n'on ngayon? It's been years already.

Itinapat ko ang mukha ko sa shower para kahit papaano'y ma-distract ang utak ko. Magkikita kami ngayon nina Christian para makita iyong resulta ng lab test nung tubig na nakuha ko sa ilog ng Isla Neri.

"Portia, alis na 'ko!" sigaw ko nang nasa pintuan na 'ko. Nandoon pa rin siya sa pwesto namin kahapon sa sala at itinutuloy iyong hindi pa natatapos na archiving niya. Hay nako. Wish ko lang ay 'di siya tuluyang mabaliw bago niya matapos lahat ng 'yon.

Naglalakad ako papuntang terminal. Tumanggi na akong magpasundo kay Sam dahil masyado na 'kong maraming utang na loob sa kanila. Hindi naman mahirap ang mag-commute papunta roon sa binigay niyang address.

Silver Cage na nasa vicinity ng Daryl International College. Doon daw ang lugar kung saan sila nagtitipon para sa imbestigasyon na isinasagawa nila. I felt relieved na pumayag naman si Keira sa pagpunta ko. Tinanong ko talaga muna ito kay Christian bago ako nagkumpirmang pupunta dahil ayokong mabastos si Keira sa biglaang presensya ko roon. Siyempre sigurado akong exclusive lang 'yon sa kanilang tatlo.

Sumakay na 'ko ng taxi nang makita kong matagal-tagal pang mapuno iyong jeep sa terminal. Nakahihiya naman kung ako pa iyong hihintayin nila bago sila mag-usap-usap.

"Manong sa Daryl International College po," sabi ko pagkapasok ko. Maaga pa naman para sa usapang oras namin. Ayoko kasing mahuli kaya sinadya kong umalis nang may sapat na oras pa. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nasa biyahe. Parang ngayon na lang ulit ako nagkaro'n ng alone time. Naloloka na kasi yata ako dahil sa laging si Pierre ang kasama ko.

"Aahh!" Napalundag ako sa kinauupuan ko nang bigla kaming lumiko at pumreno. "K-Kuya ano'ng nangyari?!"

"Ma'am, bigla na lang kasing may lumitaw na sasakyan! Di yata marunong magmaneho ang gagong 'yon!" galit na sigaw niya roon sa itim na sasakyang bigla na lang humarurot paalis. "Ayos ka lang ba, hija?"

"O-Opo. Kayo ho?"

"Ayos lang din ako. Madami talagang mga mayayabang sa kalsada," aniya at nagmanehong muli. Napangiti ako at napansin kong ka-edaran ni papa iyong driver. Na-miss ko tuloy siya bigla. Hindi kasi marunong mag-text si papa kaya minsan lang kami magkausap. Hindi ganoon kaganda ang signal sa Buenavista kaya tuwing nasa Gubat lang siya kami nakapag-uusap tapos sandali lang din.

"Salamat po, manong," sabi ko at narito na nga ako sa tapat ng DIC.

Woah. Napakalaki naman ng eskwelahang 'to! Balita ko mahal mag-aral dito kaya siguro gan'to kaganda rito. Exclusive para lang sa mayayaman.

Tinext ko si Sam na nasa labas na ako. Kaya habang hinihintay ko siyang lumabas, huminga ako nang malalim para langhapin ang napakasarap na simoy ng hangin dito. Sobrang kakaiba ang lugar na 'to kumpara sa ibang parte ng Maynila. Madaming puno kaya sariwa ang hangin. Nasasabik ako lalo sa Buenavista.

Ipinikit ko ang mga mata ko para lasapin ang malamig na simoy ng hangin. Isinaisip ko ang tinig ng dagat. Inimahe ko ang buhangin sa aking mga paa na para bang naroon lamang ako sa tabi ng dagat. Napapangiti ako habang nakapikit. I must have gone crazy!

Dahan-dahan akong nagmulat ng mata ngunit sa pagdilat ko, isang itim na sasakyan ang mabilis na humaharurot sa direksyon ko. Matulin itong tumatakbo sa kinaroroonan ko. Mismo sa kinatatayuan ko.

Napakabilis ng pangyayari. Ilang sandali lang ay namimilipit na akong nakahandusay sa kalsada dahil sa saobrang sakit ng paa ko. At iyong sasakyan ay hindi man lang huminto!

STS #1: Dauntless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon