KABANATA 46

11.5K 376 41
                                    

[Third Person]

"Welcome back, Adara!" sabay-sabay na sigaw ng mga katrabaho ni Adara pagpasok niya ng opisina pagkatapos ng kanyang ilang linggong fieldwork at work from home setup.

Sa dami ng mga nangyaring hindi niya inasahan, hindi na niya magawang manatili mag-isa sa isang lugar nang hindi umiiyak. Walang katumbas ang labis na lungkot na nararamdaman niya sa araw-araw na wala si Christian sa tabi niya. Pakiramdam niya ay may malaking parte sa pagkatao niya ang nawala at hindi siya makapag-function nang maayos dahil dito.

Tumulo ang luha ni Adara sa harap ng mga katrabaho. Tinukso siya ng mga ito sa pag-aakalang lumuha ito sa sobrang saya sa kanilang ginawa. Ang hindi nila alam ay paunti-unting nadudurog ang kanyang puso sa sobrang kalungkutan.

Isinubsob niya ang sarili sa trabaho. Tinanggap niya nang walang reklamo ang lahat ng balitang ipinapasulat sa kanya. Nag-o-overtime rin siya para sa kanyang research at minsan ay inuumaga siya sa opisina. Mayroon pa ngang pagkakataon na nakatulog siya sa kanyang work station magdamag at nagulat na lamang ang mga katrabaho nang madatnan siyang tulog pa.

Nagsimulang kumalat ang usap-usapan sa ACF News tungkol sa pagiging over dedicated ni Adara sa trabaho. Sobra pa sa sobra ang output na nagagawa niya kada araw. Dahil do'n ay labis ang papuri ng management sa kanya. Binati siya ng mga katrabaho dahil siya ang kauna-unahang empleyado na nabigyan ng gano'ng papuri.

Subalit kahit gaano pa kasaya ang lahat para sa kanya, hindi niya magawang ngumiti at magdiwang. Nanatiling puno ng lumbay ang kanyang puso. Para siyang robot na pilit lamang tinatapos ang mga kailangan niyang gawin sa maghapon. At pagkatapos, iiyak na naman siya sa pagsapit ng gabi.

Walang gabi ang lumipas na hindi siya lumuha. Minsan kahit sa araw, matutulala na lang siya bigla at iiyak. Nagsimulang mapansin na rin ito ng mga katrabaho niya. Hindi naman siya mapuna ng mga ito dahil nananatiling maayos at pulido ang kanyang trabaho. Gayunpaman, nag-aalala ang mga ito sa kung anong nangyayari sa kanya.

"Adara, okay ka lang ba? You can always talk to me," nag-aalalang wika ni Nina. Halos araw-araw siya nitong tinatanong ng kaparehong tanong. Tiningnan lamang niya ito nang may pilit na ngiti.

"Ayos lang ako..." mahinang sagot niya. Tumayo siya patungong CR at doon tahimik na namang umiyak.

Hindi ko na yata kaya...

Tinakpan niya ng kanyang palad ang bibig upang itago ang mga hikbi niyang pilit na kumakawala. Every day is becoming a torture to her. Hindi na niya alam kung hanggang saan pa niya kakayanin ang paghihirap niyang ito. Sobrang pagod na pagod na siya. Ubos na ubos na ang lakas ng katawan niya at mabaliw-baliw na ang kanyang utak sa kapipilit na magtrabaho.

Bumagsak na rin ang kanyang timbang. Bakas na ang pangangayayat niya at pamumutla. Nababahala na rin ang kanyang boss na si Joey sa nangyayari sa kanya kaya't ipinatawag siya nito sa opisina.

"You can take a leave for a while, Adara," bungad na wika nito sa kanya pagpasok niya sa office nito.

"B-Bakit po? Is there something wrong with my work?"

"No, nothing. Actually your work is really outstanding, but you doesn't seem fit to work. Look at yourself, hija." Iminuwestra nito ang mula ulo hanggang paa ni Adara. Ngunit hindi na siya makapag-focus sa sinasabi nito dahil parang dumodoble na ang kanyang paningin. "Your health is dropping! You're obviously overworking yourself and we don't need you to do that! Your health is still our priority. I hope that you liste—" Hindi na nito natapos ang sinasabi nang bumagsak na sa sahig ang kausap.

"Shit!"

Bigla na lamang siyang nawalan ng malay at labis na natakot ang kanyang boss.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko! Napakatigas kasi ng ulo ng batang 'to!" Agad itong humingi ng saklolo sa labas at nag-panic ang lahat sa nangyari kay Adara. "Tumawag kayo ng ambulansya!" puno ng awtoridad na utos nito.

STS #1: Dauntless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon