KABANATA 17

11.3K 427 76
                                    

[Adara]

"Wag ka ngang galaw nang galaw! Pag tayo tumaob, ikaw ang una kong ipakakain sa mga pating diyan sa baba!"

Napakalikot kasi! Akala mo'y ngayon lang siya nakasakay ng bangka!

"What sharks do you have here? Blacktip? Silvertip? Brownbanded bamboo sharks? Or whitetip reef?"

Hindi ko napigilang irapan siya kahit nakatalikod siya sa akin. Aba malay ko ba kung anong klaseng pating ang meron diyan!

"Kailangan ko pa bang malaman kung anong breed ng pating ang namamasyal dito?"

"It's called species, not breed. They're not dogs."

"Whatever you say. Malay ko ba kasi anong specie ng pating ang nandiyan sa ilalim. Tsk."

"How could you determine your own sharks if you're not aware of their kinds?"

Hingang malalim, Adara. Isipin mo na lang na nakikinig ka sa Discovery Channel.

"You should read a book about them so you could understand better," dagdag pa niya.

Binilisan ko ang pag-sagwan ko para makarating na kami agad. Hindi ko na kayang makinig sa mga pinagsasabi niya. Napapaisip ako kung sobrang talino lang ba niya o bobo lang ako?

Nilipat ko sa kabilang side ang sagwan ko. "Basta ang alam kong pating namin dito ay yung mga nangangain ng tao. Paborito nila yung mga maraming alam."

Habang ako nagpapakahirap mag-sagwan dito, siya naman feeling Kuya Kim! Bawat madaanan naming isda at coral reefs ay ine-explain niya sa akin isa-isa! Ano bang pake ko kung kailan na-discover ang mga iyan dito sa Pilipinas? At kailangan ko rin bang malaman kung gaano kalalim ang itong dagat depende sa kulay nito?

"Sinong kasama mo palang nagpunta sa Isla Neri?" Hindi ko pa pala naitatanong kung naglakad lang ba siya papunta roon kaya siya sumabay sa akin ngayon. Tsk.

"Isla Neri?"

"Yung pinanggalingan natin. Isla Neri ang pangalan ng lugar na iyon. Saka paano mo nalaman iyon? Bakit ka nag-iimbestiga tungkol kay Don Franco?"

Feeling ko ito na iyong time para itanong ko lahat ng iyon sa kanya. Tingin ko kasi wala na siya sa dark mode niya dahil sobrang daldal na niya. Saka maganda na rin ito para magka-rason naman ako para pagkatiwalaan siya sa pag-iimbestiga.

"I can't answer those questions. It's confidential and I hope you understand." His voice was calm. Hindi siya nagalit sa pagtatanong ko kaya hindi nagawang magalit. Iintindihin ko ngayon kung bakit hindi niya ako masasagot, pero hindi na sa susunod.

He stretched out his hand over the waters. Nilaro niya ang tubig na dinaraanan namin at tahimik na lang siyang nakasakay.

"Pero ito last na talaga, pulis ka ba?"

"No."

Naramdaman ko ang paglaki ng butas ng ilong ko. Anong klaseng sagot iyon? Kung hindi siya pulis, eh ano siya? Ano ang karapatan niyang mag-imbestiga legally?

Umakto akong papaluin ko siya ng sagwan dahil sa inis ko na naman. Malalaman ko rin ang tinatago mong sikreto na iyan! Wala pang sikretong hindi nadidiskubre ang isang Adara Olivia Alejo. Pagtutuunan ko ng oras ang pag-alam at sinisiguro kong malalaman ko rin kung anong klaseng tao ka!

Nakarating kami nang bwisit na bwisit pa rin ako sa kanya. At ang magaling na lalaki, pagkatapos kong hingalin kasasagwan ay dere-deretsong umalis lang siya pagkadaong namin sa pampang! Wala man lang hoy ganda thank you!

Wala talagang modo!

Tinali ko ang bangka sa pinagkunan ko kanina. Isinukbit ko ang bag ko sa balikat ko at umuwi muna sa bahay. Pagdating ko ay wala si Papa dahil inaalalayan pa rin niya si Mang Arturo sa burol ni Atoy.

STS #1: Dauntless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon