[Adara]
Nag-aayos na ako ng gamit para sa pagbalik namin bukas ng Maynila. Dumaan na rin ako kanina kay papa para makapagpaalam dahil maaga ang naka-book naming flight. Kinamusta ko rin si Mang Arturo at hanggang ngayon ay nananatili pa rin siyang matamlay. Ipinagdarasal ko palagi na sana ay umayos na ang kalagayan niya. Nalulungkot ako dahil sa pag-alis kong ito, hindi ko alam kung kailan ako makababalik. Hindi rin naman kasi biro ang gastos pauwi ng Buenavista.
Kaunti lang ang gamit naming dalawa ni Pierre kaya pagkatapos ko ay nagpasya akong maghanda na ng hapunan. Palabas ako ng kwarto nang may kumatok sa pintuan. Tinungo ko ito agad ngunit sa pagbukas ko ng pinto ay may mabilis na bagay ang lumandas sa gilid ng paningin ko at sakto itong sumaksak sa kahoy na pader ng villa. Nahigit ko ang hininga ko sa labis na takot at pagkabigla.
"Ano iyon—the fuck!" narinig kong sigaw ni Pierre pagkalabas niya. Marahil ay narinig niya iyong tunog ng pagpasok ng bagay na ito.
Tinungo ko siya at mahigpit akong napahawak sa estanteng nasa tabi ko pagkakita ko nito. Isang pana na mayroong ulo ng patay na ibon ang naroon.
"Tangina, ano 'to?" Nakatitig kami pareho rito.
Isa lang ang taong pumapasok sa isip ko na kayang gumawa ng bagay na ito. Si Don Franco. Ito ba ang paraan niya para balaan ako? Kung ganoon ay napakadumi niya pala talagang maglaro.
Mabilis na kumilos si Pierre para itapon ito. Gusto pa sana niyang i-report ang nangyaring ito, pero pinigilan ko na lang siya at sabi ko ay paalis na rin naman kami kaya 'wag na lang.
"Iyong nanay na naman ba ng ex mo ang may gawa niyan?" salubong ang kilay na tanong niya habang naghahapunan kami.
Nagkibit balikat ako. "Ewan. Sa dami yata ng haters ko, hindi ko na alam sino sa kanila," biro ko pa.
"Kung ako sa 'yo, idedemanda ko ang balyena na 'yon nang magtanda."
Natawa ako bigla. "Baka tawanan lang nila iyong kaso kapag nalamang ako ang nag-file. Saka gastos lang 'yon."
"Tss. So you're just gonna let them treat you that way?"
"Of course not. May hangganan ang lahat ng pagtitimpi, Pierre." Binigyan ko siya ng makahulugang ngiti.
Alam kong kung pera ang pagbabasehan, talagang wala akong laban sa pamilya nila. Pero maliban sa pera, naniniwala akong may ibang paraan para maitama ang kamalian nila. Marahil hindi muna ngayon pero alam kong darating ang panahon na kakayanin kong harapin sila nang taas noo.
Kinabukasan ay maaga kaming umalis ng Buenavista ni Pierre. Madaling araw pa lamang ay handa na ang sasakyan na maghahatid sa amin sa airport. Nagpaalam kami kay Lola Bener bago umalis dahil gising na rin siya sa mga oras na ito.
"Mag-iingat kayo mga anak ha?" sabi niya habang hinahaplos ang aking kamay tapos hinarap niya si Pierre. "Hijo, ingatan mo itong si Adara. Hihintayin ko ang pagbabalik niyo rito sa susunod."
Nginitian siya nito at nagmano siya bago kami umalis. Magalang na bata! Kaya gustong gusto siya ni Lola Bener eh.
Pagdating namin sa airport ay naghanap kami ng kainan. Hindi na kasi ako nakapaghanda ng almusal dahil masyadong maaga. Saka sabi ni Pierre ay dito na lang daw kami kumain para hindi na hassle para sa akin.
"Adara!" napatingin kami roon sa sumigaw.
"Sam!" sigaw ko. Nasa likuran niya sina Keira at Christian at papalapit sila sa amin.
"Tss," singhal ng kasama kong si Pierre. Oo nga pala, ayaw niyang nakikipag-usap ako sa kanila. Pero wala naman na kami sa Buenavista kaya pupwede na siguro ngayon.
BINABASA MO ANG
STS #1: Dauntless [COMPLETED]
Romance[Smith Twins Series #1] Top secret agent Christian Klein Smith and aspiring journalist Adara Olivia Alejo are determined to expose and bring Governor Almendras down. But as they dig deeper into his corrupt and illegal ways, they find themselves tang...