[Adara]
Abala na kaming lahat sa set. Matapos ang mabilisan naming paglilipat sa Buenavista Surfing Camp, sakto ang pagdating ng buong crew kasama si Elisse bilang siya ang ipinadala ng Advertising Department para gumawa ng report sa endorsement shoot na ito ni Pierre. I had to owe Lola Bener an explanation earlier para sa pambubulabog ko sa kanila para mabigyan kami ng immediate villa. Fortunately, madaming bakante. Pero unfortunately ay dahil iyon sa mga natakot na turista sa nangyari kagabi. Kahit medyo bangag pa ako dahil sa walang tulog ay pinilit kong mag-function nang maayos. This is the day I have to be fully equipped.
Isang malaking tent ang sinetup ng crew sa may tabing dagat. Nakahilera ang mga vanity mirrors kung saan puspusan ang ginagawang pagpapaganda ng mga makeup artists sa apat na models na makakasama ni Pierre sa commercial and photoshoot niya. Ni-review ko iyong nasa checklists ko. Mula wardrobe, script, makeup, at iba pa na dapat kong i-double check masiguro lang na walang papalpak sa set namin today. Pinapirmahan ko na rin lahat ng for approval files kay Sam na siyang nag-su-supervise sa aming lahat dito bago pa siya muling mawala sa paningin ko. Kung minsan kasi ay daig pa nito si Pierre kapag nawala.
"Easy ka lang, oy. Kanina ka pa hindi mapakali riyan," sabi ni Sam at naupo siya sa tabi ko. He handed me the folder I gave him earlier.
"This is my first official fieldwork and I just want to make the best out of it. Lalo na ngayon na wala rito si Ms. Dette para alalayan ako," paliwanag ko habang inaayos ang pagkakasunod-sunod ng mga damit na isusuot ni Pierre. This shoot has to be successful. Paulit-ulit kong pinaalala sa utak at katawan ko na kailangan kayanin nilang maging more than just an assistant.
Sam took a sip of his coffee at sinulyapan ako. Ilang segundo niya akong tinitigan na para bang may something na tumatakbo sa isipan niya tungkol sa akin at harapan iyong pinagsisigawan ng mga mata niyang dumikit na yata katitingin sa mukha ko. Dahil doon sa pagtitig niya ay mataman ko rin siyang napagmasdan. Mukhang wala rin siyang tulog dahil kanina pa siya hikab nang hikab. Natakot din kaya siya sa nangyari kagabi? Pero hindi naman halata sa itsura niya dahil bukod sa guwapo talaga siya ay napaka-clear ng aura at lalo ng balat niya. Walang bakas ng stress.
Nagbawi ako ng tingin nang may sumigaw ng pangalan ko sa labas. Mabilis akong tumakbo at kinuha ang revised script na binigay ni direk na dineretso ko rin agad kay Pierre. Isa pa itong walang tulog, pero mukhang sanay na sanay naman siya sa ganoon. Hinihingal akong nagpunas ng pawis ko sa noo gamit ang likod ng palad ko.
"May kaunting revision daw sa kailangan mong sabihin mamaya," naghahabol ang hininga na sabi ko at inabutan ko siya ng bottled water. Baka nauuhaw na siya.
Nakataas ang kilay niyang tinitigan ang kamay kong nasa harp niya na may hawak na bottled water bago bumalik ang tingin niya sa akin.
"Obvious na mas kailangan mong uminom kaysa sa akin," mataray niyang sabi sabay hablot ng script na hawak ko. "Wag ka ngang takbo nang takbo. Nakahihilo ka," dagdag pa niya.
Pinigilan kong huwag mangiti dahil para akong tanga na nasungitan na nga, masaya pa. Tumalikod ako at nakangiting bumalik sa pwesto ko kanina sa tabi ni Sam.
"Ang saya mo, ah. Do you have plans later?" he asked, sipping on his drink.
"Too many to tell," sagot ko at muling sinulyapan si Pierre na busy sa pagbabasa ng script doon sa pwesto niya. Moody ba talaga dapat kapag artista? Minsan nakatatawa siyang kausap dahil may pagka-makulit, pero madalas ay masungit din siya.
"Ano pa bang gagawin mo? Tell me so I can help para pwede na tayong mag-date!"
"Anong date ka riyan?!"
"Friendly date lang kasi!"
Hinampas ko siya nang mahina sa braso, "Hay naku ka Sam!" Kabado akong lumapit sa kanya at bumulong, "Remember this, hangga't nandito tayo sa Buenavista, please medyo careful ka sa sinasabi mo. Kung hindi mo alam ay madami akong paparazzi rito," sabi ko sabay tingin tingin sa paligid. Ewan ko ba kasi pagdating sa mga issue ko sa buhay ay tila may mata at tainga ang bawat sulok ng Buenavista.

BINABASA MO ANG
STS #1: Dauntless [COMPLETED]
Romans[Smith Twins Series #1] Top secret agent Christian Klein Smith and aspiring journalist Adara Olivia Alejo are determined to expose and bring Governor Almendras down. But as they dig deeper into his corrupt and illegal ways, they find themselves tang...