[Adara]
"Please, Pierre? Iuwi mo na lang ako. Mas lalo akong manghihina dito sa ospital." Ipinatong ko ang palad ko sa noo ko. Ayoko nang magtagal pa sa kwartong 'to. Pakiramdam ko, mas lalo akong mamamatay dito.
"Bakit ang tigas ng ulo? Ang sabi nga ng doktor kailangan mong mag-stay ng at least 3 days," pagkontra niya.
"I hate being in a hospital, Pierre."
"You hate hospital, pero hinayaan mo ang sariling mong ma-ospital."
"Sorry, naabala na naman kita—"
"That's not the point, Adara! Bakit mo pinabayaan nang ganyan ang sarili mo?!" His eyes were like daggers looking at me.
Sana pwede kong isagot na dahil hindi ko na kayang mabuhay. Hirap na hirap na 'ko. Ito yata ang laban na hindi ko kayang tayuan nang mag-isa. I feel so weak. Hindi ko na maramdamang nabubuhay pa 'ko. Tila sa bawat araw na lumilipas ay hinihintay ko na lang na marating ang dulo kung saan baka matapos na itong sakit na nararamdaman ko.
At ngayon ay parang pinipiga na naman ang mga mata ko dahil hindi sila matigil sa paglalabas ng likido. Tinakpan ko ng mga kamay ko ang mukha ko. Wala na bang katapusan 'to? Sagad na sagad na 'ko! Ubos na ubos na 'ko!
Naramdaman ko ang mga braso ni Pierre na pumalibot sa 'kin.
"Tahan na. Nandito ako, Adara. Whatever your problem is, I'm just here to listen."
"S-Salamat, Pierre. Don't worry, I'll be fine," pagsisinungaling ko. "Iuwi mo na lang ako sa unit ko. I want to be alone."
Hindi ko alam kung gaano ko katagal na sinusuyo si Pierre para lang payagan niya 'kong umuwi. At mabuti na lang ay napilit ko rin siya sa huli. He settled everything in the hospital. Hindi niya 'ko pinagalaw sa pwesto ko hanggang sa matapos siya sa pag-aasikaso ng mga kailangan para ma-discharge ako. Hinatid niya 'ko sa condo. Dumating din dito ang assistant niya na may dalang mga food stocks and other necessities.
"Adara, please call me okay? Or just send a text message para naman malaman ko kung buhay ka pa," masungit na paalala niya. Natawa ako nang bahagya. Abnormal din talaga 'to minsan. "See? You look more beautiful when you laugh."
Lumapit ako nang kaunti sa kanya at niyakap siya. I just feel like I need to sincerely thank him with a hug.
"Salamat, Pierre. The best ka talaga."
Humiwalay ako at tinulungan niya 'kong magpasok nung mga groceries sa loob.
"Lock your doors. And please, kumain ka," bilin niya nang paalis na siya.
Tumango ako. "Ingat ka."
Pagkaalis niya ay heto na naman ako. Humaharap sa pinakakinatatakutan kong pag-iisa. I fought the urge of crying again. Ngunit nang ilibot ko ang mga mata ko sa paligid ng unit ko, hindi ko na naman napigilan ang pagtutubig ng mga mata ko. It's just that... I could see him everywhere. Bawat sulok ng unit ko ay naroon ang imahe niya na nakikita ko. Puro masasayang alaala naming dalawa na magkasama ang tanging ipinaaalala sa 'kin ng lugar na 'to.
Huminga ako nang malalim at naghilamos ng malamig na tubig baka sakaling mahimasmasan ako. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Grabe. Gan'to na ba talaga kalala ang ipinayat ko? Ngayon ko lang napansin. Halos hindi ko na rin kasi matingnan ang sarili ko sa harap ng salamin. Pinunasan ko ang mukha ko at lumabas ng banyo.
Nagpaandar ako ng radyo para naman may marinig akong iba at hindi lang ang nakabibinging katahimikan ko rito ang sumasakop sa pandinig ko.
'Paano nga ba ang mag-move on, DJ Angelica? Marami sa mga listeners natin ay siguradong may problema iyan sa puso. So ano kayang maipapayo mo sa kanila?'
![](https://img.wattpad.com/cover/24749429-288-k828620.jpg)
BINABASA MO ANG
STS #1: Dauntless [COMPLETED]
Romance[Smith Twins Series #1] Top secret agent Christian Klein Smith and aspiring journalist Adara Olivia Alejo are determined to expose and bring Governor Almendras down. But as they dig deeper into his corrupt and illegal ways, they find themselves tang...