[Adara]
This dinner just turned into a disaster because of me. Hindi ko na alam kung dahil saan sumasakit ang ulo ko ngayon. Kung sa nangyari ba o sa dami ng nainom kong wine. Shit. Sinubukan kong tumayo ngunit tila walang lakas ang mga tuhod kong iahon ako sa kinauupuan ko.
"Ayos ka lang, Ate Adara?" nag-aalalang tanong ni Athena. Hindi ko siya sinagot. Hinintay ko si Christian na sulyapan man lang ako ngunit halos mabasag ang puso ko nang nagmartsa rin siya paalis at sinundan siya ni Keira.
Bakit kailangan niyang sumunod kay Christian?!
Nanlalamig ang mga palad ko sa halong kaba at inis habang pinanonood silang maglaho sa paningin ko.
"Naku, pasensya na kayo sa nangyari," pagpapaumanhin ni Tita Yuka sa amin. "We need to talk to those two, Daryl. Hindi naman nag-aaway 'yang mga anak mo na 'yan. Ano ba'ng nangyayari sa kanila?"
Hinawakan ni Tito Daryl ang likod ng kanyang asawa. "Don't worry, wife. I'll talk to them."
Na-guilty akong makita silang nababahala nang gan'to. Kasalanan ko 'to. Hindi sila mag-aaway kung hindi dahil sa 'kin. Ako dapat ang umisip ng paraan para magkaayos silang dalawa. Pero paano ko gagawin 'yon? Bakit pakiramdam ko ay pareho ko na silang unti-unti nang hindi maabot?
Tinulungan akong mag-excuse nina Athena at Althea sa lahat. Hindi na 'ko nakapagsalita dahil sobrang pigil na pigil na 'ko sa emosyon ko na 'wag sumabog. Dinala nila 'ko sa kwarto ni Athena.
"Ate Adara, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong muli ni Athena. Sila lang naman ang nakaaalam ng relasyon ko sa kuya nila. At alam kong sobrang worried na sila sa 'kin kanina pa.
Umiling ako at tuluyan na 'kong naiyak sa harapan nila. Tinakpan ko ang mukha ko ng mga palad ko. Paano ko sasabihin sa dalawang 'to na ako ang dahilan ng pag-aaway ng mga kuya nila? Wala akong lakas ng loob.
"Ate Ada, tama na." Niyakap ako ni Althea habang hinahagod ni Athena ang likod ko. Salamat at narito ang dalawang 'to. Hinayaan lang nila 'kong umiyak hanggang sa mapagod ako. Kaso tila wala kapaguran ang mga mata ko. Patuloy silang lumuluha dahil sa hindi ko makontrol na nararamdaman kong sakit.
Nasaan na ba ngayon si Christian? Galit ba siya? Pinapagaan kaya ni Keira ang loob niya? Nagpatong-patong na ang mga katanungan sa isip ko kaya mas lalong sumisikip ang dibdib ko sa pag-iisip ng mga posibleng nangyayari. Parang may kumukurot sa puso ko sa pag-iisip na may ibang babaeng dumadamay ngayon sa taong mahal ko.
Lumabas si Athena para alamin kung saan nagpunta ang Kuya Christian niya. Alam nilang ito lang makapagpapagaan ng loob ko ngayon. Christian has been my greatest source of happiness. Without him, I won't be the same strong Adara. I need him. I badly need my man.
Ilang sandali lang ay humahangos na bumalik si Athena.
"Ate Adara! Nasa kwarto lang niya si Kuya sabi ni Manang!"
Agad kong pinunasan ang luha sa pisngi ko at nagpasama ako sa kanila na puntahan siya. Gusto ko siyang makausap. Hindi kakalma sa pagwawala ang puso ko hangga't hindi ko siya nakikita at nakakausap. Ibinigay ni Christian lahat ng gusto at kailangan ko para muling makatayo. Siya ang nagbigay ng pag-asa sa 'kin para magpatuloy. Siya ang dahilan kung bakit naniniwala akong kaya kong bumangon sa kahit ano'ng pagkakalugmok. At ngayon, alam kong kailangan niya 'ko.
Nang huminto kami sa tapat ng kanyang silid, sinabihan ko ang dalawa na maaari na nila 'kong iwan at ako na lang ang bahalang kumausap mag-isa sa kuya nila. Sumunod naman sila at iniwan ako. Doble-doble ang kabang nararamdaman ko. Huminga ako nang malalim para kumalma ang dibdib ko kahit papaano. Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang seradura ng pinto. Ngunit hindi ko pa man nagagawang buksan ito ng tuluyan ay narinig ko na ang boses ni Keira sa loob. Bakit ba hanggang sa loob ng kwarto ni Christian ay sumunod siya?
BINABASA MO ANG
STS #1: Dauntless [COMPLETED]
Romance[Smith Twins Series #1] Top secret agent Christian Klein Smith and aspiring journalist Adara Olivia Alejo are determined to expose and bring Governor Almendras down. But as they dig deeper into his corrupt and illegal ways, they find themselves tang...