[Third Person]
Pumasok si Christian sa kwartong nasa ika-apat na palapag. May dalawang kama ito at mula sa veranda ay makikita mo ang kahabaan ng dalampasigan ng Buenavista. Tanaw mo rito ang mga taong nagtatampisaw sa dagat at ito rin ang pinakamagandang spot para sa isasagawa nilang misyon.
"I told you to get your own room," ani Christian pagpasok ni Sam sa kwarto. Mayroong mini sala ang silid at doon dinala ni Christian ang maleta at binuksan.
"Bakit pa? Eh may mission nga tayo kaya dapat magkasama tayo."
"Have you checked on their hidden bank accounts?" tanong ni Christian habang abala sa paglalabas ng mga gamit mula sa maleta.
Kinuha ni Sam ang laptop. "Tama ang hinala natin nung una pa lang. Old Frank has a lot of huge money transfers under someone else's name. He anonymously bought enormous number of stocks from different companies outside the country," wika nito habang nire-review iyong mga data na na-acquire niya rito.
"What a rotten old man," nanggigil na saad niya.
"Sent you the list of the companies and the total number of assets he has."
"He really got everything under control," ani Christian habang ini-scroll sa kaniyang tablet iyong mga impormasyong ibinigay ni Sam.
"Unfortunately, he knows how to perfectly hide his crimes. Look at Sorsogon, hindi halatang ginagatasan."
Nag-igting ang mga bagang ni Christian at lalong lumalim ang kagustuhan niyang maisara ang kasong ito sa lalong madaling panahon. Tama na ang mga buhay na sapilitan nitong kinuha mula sa mga mahihinang tao. Oras na para harapin nito ang parusang nararapat para sa isang walang konsensyang nilalang na katulad ng matandang ito.
"Get everything prepared, Sam. I wanted this trip to be my last one for this damn case."
"I got this, CuteXP!" sumasaludong sagot nito bago tumayo at kinuha ang susi ng sasakyan na pansamantala nilang gagamitin dito sa Sorsogon. "Susunduin ko muna si Keira baka maligaw 'yon at bugbugin na naman ako."
"Go."
"Just call for a room service if you get hungry, Kuya. Or if you wanna go down, there's a lot of good food outside. Labas ka na lang," habilin sa kaniya ni Sam na animo'y isa siyang batang paslit.
"Don't worry, I can manage."
Nang masiguro ni Christian na kumpleto na ang mga kakailanganing gamit sa kanilang imbestigasyon, tumungo siya sa veranda at pinagmasdan ang kagandahan ng lugar. Napakapayapa nitong titigan at hindi niya maatim na isang walang pusong politiko ang kumokontrol dito para sa pansariling kapakinabangan. He sighed and decided to go out for a short stroll.
Samantala, bago umakyat ng kwarto sina Pierre at Adara, nagpaalam si Adara na uuwi muna sandali sa bahay nila para kumuha ng kaunting gamit. Bukas pa naman ang simula ng photoshoot ni Pierre kaya may buong araw pa sila para makapagpahinga at makapaghanda. Pierre didn't mind her leaving. Sa katunayan ay nagpaalam din ito kay Adara na gusto nitong mag-surfboarding.
"Tara at idadaan na kita sa pinakasikat na surfing camp dito. Same way naman nang pauwi sa amin."
Excited na umakyat ng kwarto si Pierre para ilagay ang mga pinamili at makapagbihis. Pagbaba nito ay sandaling natulala si Adara dahil sa suot nitong board shorts at sando na talagang bumagay sa katawan ni Pierre. Tama nga iyong sinabi nung nagtitinda kanina. Bagay na bagay ang binili nito sa matipuno nitong katawan.
"Tara na?"
"H-Ha?"
Bahagyang itinulak pataas ni Pierre ang nakaawang na bibig ni Adara. "You're drooling," natatawang sambit nito at nauna nang naglakad palabas. Nanlaki ang mga mata ni Adara at hiyang hiya na sumunod siya kay Pierre.
BINABASA MO ANG
STS #1: Dauntless [COMPLETED]
Lãng mạn[Smith Twins Series #1] Top secret agent Christian Klein Smith and aspiring journalist Adara Olivia Alejo are determined to expose and bring Governor Almendras down. But as they dig deeper into his corrupt and illegal ways, they find themselves tang...