KABANATA 19

11.6K 366 27
                                    

[Adara]

"What the hell, Christian? Nasisiraan ka na ba ng ulo?" ani Keira, mukhang badtrip.

"I had to tell her because we need to protect her."

"Protect her from what?! Hindi ka dapat basta basta nag-di-disclose ng impormasyon kung kani-kanino!" She was pacing back and forth. "Paano kung ibaligtad tayo niyan?" galit na tanong niya at nakuha pa niyang sumulyap sa direksyon ko. Kung makapagsalita siya ay parang wala ako rito, ah. Akala ko pa naman mabait siya.

Nandito kami ngayon sa kwarto nina Christian dito sa hotel ng mga Almendras. Dito niya ako sapilitang dinala. It turns out na hindi siya nagjo-joke kanina—na totoo ngang isa siyang secret agent ng isang investigation agency sa Amerika.

Hindi pa rin mag-sink in sa utak ko iyong impormasyon dahil parang napaka-fictional nito. Sa mga movies at libro ko lang kasi nababasa ang tungkol sa ganitong propesyon. At ang pagsasabi niya sa akin ng tungkol sa trabaho niya ay isa palang malaking paglabag sa patakaran ng kanilang ahensya. Kaya galit na galit si Keira sa kanya—miyembro ng team niya at kasama rin doon si Sam.

Sinulyapan ko si Sam na nakaupo lang at seryosong nakatingin sa kawalan. Parang napakalalim ng iniisip niya. Galit din kaya siya sa akin?

"Okay wait," sabat ko sa kanila. Napatingin silang lahat sa akin. "Kung iniisip niyo na ipagkakalat ko ang tungkol sa inyo, calm yourselves dahil wala akong balak i-chismis kayo sa iba. Hindi naman ako gano'n ka-bobo para hindi maintindihan ang nature ng trabaho ninyo."

I tried so hard to sound serious. At seryoso naman talaga ako. Kailangan nila akong pagkatiwalaan.

"Don Franco's people might have seen your face," ani Sam. Iyong mukha niya ay hindi katulad ng nakasanayan kong makita. His face looked so damn serious. At nagsisimula na akong kabahan sa mga ikinikilos nila. Nasa panganib ba ako? O kaya'y sila?

"That's what I'm worried about," ani Christian. "You don't know what's running through that man's head," sabi niya nang nakabaling sa akin.

Hinilot ni Keira ang kanyang sentido. "Whatever your reason was, hindi ka kasi dapat nagpadalos dalos ng kilos, Adara." Napakatalim pa niyang tumingin sa akin. "Hindi lang sarili mo ang ipinapahamak mo! Every one of us!" Her hand gesture tells she's really mad.

Nakaupo ako sa dulo ng kama habang si Sam ay nasa kabilang dulo. Nakatayo sa harapan ko sina Christian at Keira. Para akong nanliliit sa kanilang tatlo. Mga professional secret agents na nagkakagulo dahil sa kapalpakan ng isang journalist wannabe. Nakatatawa lang. Pero hindi sapat na dahilan iyon para husgahan ni Keira ang kakayanan kong magtago ng importanteng impormasyon. Mukha ba akong chismosa?

"Stop blaming her, Keira. That won't do anything good," sabi ni Christian.

Ipinaliwanag niya sa kanila ang tungkol sa naging pagkikita namin sa Isla Neri. Pati na rin kung bakit naroon ako.

Nakapamyawang na tumayo si Sam na humarap sa amin. "He forbade fishermen from fishing to cover up his secret factory, that manufactures illegal pharmaceutical products and restricted drugs." naiiling siyang natawa. "Tinanggalan niya ng hanapbuhay ang mga mahihirap na magsasaka para sa sarili niyang pakinabang. At isang kawawang bata ang nawalan ng buhay sa ginawa niya. Napakasakim talaga."

"Hindi lang iyon," sabi ko. "Toxic waste from the factory is being thrown to the river. Itinayo niya ito roon sa Isla Neri para maitago niya ang nakasusulasok na amoy nito. Pero hindi magtatagal, mamatay ang mga ilog na nakapalibot doon dahil sa itinatapon nilang kemikal. Who knows kung gaano katagal lang ang itatagal nito bago magkaroon ng masamang epekto sa mga tao sa Buenavista. Kailangan maipasara ito sa lalong madaling panahon." Naaalala ko pang kung gaano kabaho roon ay parang masusuka ulit ako.

STS #1: Dauntless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon