[Adara]
PABALIK-BALIK ang tingin sa amin ni Pierre at mukhang nagdadalawang isip pa kung maniniwala sa mga pinagsasabi namin. Sa itsura ba naman kasi nitong si Sir Sam mukhang hindi talaga kami kapani-paniwala dahil nagmumukha kaming mga diehard fans na nakapuslit makita si Pierre.
"How did you know I was here?" tanong niya habang nagpupunas ng kaniyang pawisang mukha at katawan. Nakasuot lang siya ng simpleng white shirt na medyo luminaw na dahil sa basang basa na ito ng pawis. Kitang kita ko ang hubog ng kaniyang katawan. Tunay pala talaga iyong abs niya sa mga magazine shoots niya! Walang halong edit dahil ngayon ay isa na akong buhay na saksi sa napakaperpekto niyang katawan.
"We saw your IG story," sagot ni Sir Sam nang siguro'y napansin niyang hindi ako umiimik. Kasi naman hindi ako makapag-focus dito sa nakabalandrang katawan ni Pierre!
Narinig ko ang maliit na pagtawa nito. "Bilib ako sa inyong dalawa. No one can find me easily with that single IG story. Unless mga stalker ko kayo?" Tumalikod siya at naglakad papunta sa kabilang side kung saan naroon iyong tubig niya.
"Siya!" sigaw ni Sir Sam at tinuro ako. "I saw her stalking you earlier, Pierre!"
Nanlaki ang mga mata ko, "Hindi ako stalker! I was just stalking his IG to check kung may clue kung saan ko siya mahahanap."
"Weh? Yiee, aminin mo na kasing super fan ka ni Pierre, yiee." Tinusok tusok niya 'ko sa tagiliran.
"Bakit ka ba nandito, sir? Di ba taga-HR ka?"
"Hindi, 'no. Pinarusahan lang ako nung medyo pogi kong kuya kaya ako napunta sa HR ng 1 day kaya tigilan mo na 'yang kaka-sir mo. Boring do'n, bawal maglaro."
Napairap na lang ako at naglakad patungo kay Pierre na mabilis nakapagpalit ng damit. "Mauna na kami, Mr. Villafuerte. Just be on time na lang daw po sa shoot niyo later. Thank you."
"Wait," sabi niya at tiningnan ang ID ko na may nakasulat na malaking INTERN. "Sabi mo kanina ikaw ang bago kong assistant."
"Yes, sir."
"Just call me Pierre. Where's the car?"
"Car?"
"Sasakyan," bulong ng katabi ko.
"Alam kong sasakyan 'yon."
"You were assigned to assist me and you didn't bring me a car. Nice."
"S-Sorry po wala kasing sinabi si Ms. Dette basta ibigay ko lang daw yung script—"
"I got a car!" bulalas ni Sam na nakataas pa ang kanang kamay. "I'll drive you wherever you go!"
Isinukbit ni Pierre ang bag niya sa kaniyang balikat at nauna nang naglakad palabas. Sinundan namin siya ni Sam papuntang parking space. Sumakay si Pierre sa backseat at ako sa passenger seat. Tahimik lang kami sa biyahe maliban kay Sam na hindi tumitigil sa kadadaldal. Para siyang human slam book.
"What's your favorite color?"
"Pink."
"Favorite place?"
"My hometown, Sorsogon."
"Wow talaga? Sama mo ako sa inyo minsan! I love travelling!"
"Sige pag naging behave ka."
"What's your favorite food?"
"Chocolate."
"Woah! Me too!"
Nakarating kami sa ACF Net na alam na niya ang lahat tungkol sa'kin. Buti na lang at mukhang mabait si Pierre at hindi nainis sa kadaldalan ni Sam. Bawat programa pala ng ACF Net ay may kani-kaniyang headquarters. Nadatnan namin dito si Ms. Dette na agad sinalubong si Pierre.
BINABASA MO ANG
STS #1: Dauntless [COMPLETED]
Romance[Smith Twins Series #1] Top secret agent Christian Klein Smith and aspiring journalist Adara Olivia Alejo are determined to expose and bring Governor Almendras down. But as they dig deeper into his corrupt and illegal ways, they find themselves tang...