Chapter 3: The Leader's Arrival

2.7K 93 1
                                    

Lexi's Point of View

Kinaumagahan, nagising ako ng maaga dahil sa magandang tunog ng bago kong alarm clock. Bumangon na ako at ininat ang dalawa kong mga kamay at bahagyang humikab. Tumingin ako sa alarm clock ko at nakita doon na 6:50 am na. Well, 8:00 am pa naman ang pasok ko kaya may oras pa ako para magpaganda— este, maghanda pala.

Sinoot ko muna ang color red kong tsinelas na pambahay at saka pumasok na sa banyo. Naghimalos muna ako ng mukha pagkatapos ay nag-toothbrush. Then, pinunasan ko ang mukha ko gamit ang blue na towel na nakasabit sa gilid ng salamin ko dito sa banyo.

Hmm. Ang ganda ko talaga. Hihi!

Lumabas na ako ng banyo at iniligpit ang higaan ko. Kulay red ang bedsheet ng kama ko at kulay blue naman lahat ng punda ng unan ko. At to be specific, lahat ng gamit ko dito sa kwarto ay color red and blue. Yeah, ganyan ako ka fan ng dalawang kulay na 'yon.

After I fixed my bed, lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na ng hagdan. Napangiti ako ng makita ko si Nanay Josie na naghahanda na ng pagkain sa lamesa.

This old lady never fails to amused me. Palagi niya nalang akong inaalagaan like I'm her true daughter.

Nakangiti akong bumaba sa hagdan at pumunta sa gawi ni Nanay Josie at binati siya. "Goodmorning, Nay Josie!" masayang wika ko dito.

"Magandang umaga rin, anak." aniya na nakangiti kapagkuwan ay tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"May problema po ba, Nay?" nagtataka kong tanong sa kanya.

Mas lalo akong nalito ng biglang ngumiti si Nanay Josie. Ugh! Enlighten me, please!

"Wala namang problema, anak. Nagagandahan lang ako sayo. Kahit simpleng blue na pajama at red na sando ang soot mo ay ang ganda mo pa rin." wika ni nanay na ikinangiti ko. 'Yon lang pala, eh. Akala ko kung ano na.

"Salamat po, Nay. Ikaw din naman, eh. Kahit matanda ka na, blooming ka pa rin dahil sa taglay mong kagandahan." nakangiti kong wika kay Nanay Josie na ikinatawa niya lang. "No wonder, na inlove sa iyo si Mang Kiko." patukoy ko sa asawa ni Nay Josie na si Mang Kiko. And speaking of Mang Kiko, birthday nito ngayon pero parang nakalimutan ni Nanay Josie. Nasa probinsya kasi sila Mang Kiko at ang mga anak nito.

Mahinang kinurot ni Nanay Josie ang tagiliran ko. "Ano ka bang bata ka. May pa inlove-inlove ka pang nalalaman." aniya. " Baka nga ikaw itong in love, eh." dagdag niya pa na ikinatigil ko. Hmp! Hindi pa naman ako inlove. Hindi pa talaga. Pramis! Hindi pa!

E ano yung kagabi? wika ng isang bahagi ng isip ko.

Oh. Maybe that one side of my mind is reffering to Justine. Ano nga ba 'yon? Bumilis lang naman ang tibok ng puso ko diba? Wala ng ibig sabihin 'yon. Matagal ko ng kaaway si Justine at hanggang doon lang 'yon.

Hanggang magkaaway nga lang ba? Wika na naman ng isang bahagi ng utak ko.

Ahm, maybe, pero posible naman na maging friends kami. Actually, I'm looking forward to it. Kahit naman imposible kaming maging magkaibigan, umaasa naman ako na sana pwede.

"Anak. Inlove na nga ba talaga?" pukaw sa akin ni Nanay Josie dahilan para mabalik ako sa reality. OMG! Masyado akong na pre-occupied.

Perfect Haters (COMPLETED)Where stories live. Discover now