Chapter 7: Announcement

2K 60 2
                                    

Justine's Point of View

"Tara. Lunch." aya saamin ni Jeric. "Nakakagutom naman kasi yung sorpresa ni Vince." sarakastikong dagdag pa nito na inismiran lang ni Vince.

Hindi namin inaasahan ang bumungad saamin kanina lang. Si Lexine at si Vince na nakaakbay sa kanya. What the hell! Ano 'yon? Dumadamoves si Vince? Wow lang!

After one week— after nung nadetention kami ni Lexine, balik normal na ulit. Nag-aaway na ulit kami. Nag-aasaran. Nagbabangayan. Pero may kulang, eh. I have this feeling that I wanted to see her smile again. Ugh! Nevermind.

Naglalakad na kami ngayon papuntang Canteen at patuloy pa rin sa pag-uusap ang mga kaibigan ko.

"Bakit mo nga kasi ginawa 'yon?" tanong ni Mark kay Vince.

"Ginawa ang ano?" inosenteng tanong ni Vince. Hanep makainosente, ah!

Binatukan siya ni Kris. "Langya ka! Hindi mo alam ginawa mo?"

"Anak ng tupa naman Kris, oh! Bakit ka ba nambabatok ha?! Ano bang masama sa ginawa ko?! Masama na bang akabayan ang mga babae ngayon?!" inis na usal ni Vince kay Kris na hinimas-himas pa ang batok niya.

"Dumadamoves ka, 'dre, no?" singit ni Jeric na itinataas-baba pa ang kilay. Baliw amp!

Natawa si Vince. "Baliw ka na." aniya at nagtawanan sila maliban saakin.

"Hoy! Ang tahimik mo naman ngayon!" malakas na sigaw saakin ni Val dahilan para mapaatras ako ng ilang hakbang.

Inis ko siyang nilingon. "Ano ba, Val?! Kailangan bang sumigaw?!"

Tumawa ito. "Badmood." bulong niya pero dinig naman naming lahat.

"Don't tell me..." pambibitin ni Vince na nanunudyong nakatingin saakin.

"Wag mong sabihing..." pambibitin din ni Kurt.

Mga anak sila ng kagang! Uso ba pambibitin ngayon?!

"Ano na naman ba 'to?" mahinahong wika ko na nakatingin kay Vince atsaka tumingin kay Kurt. "Kurt, ano na naman ba?"

"Wag mong sabihing..."

"What the hell?! 'Wag mo akong bitinin kung ayaw mong bitayin!" inis talagang sigaw ko. Hindi ko alam kung bakit nagkaganito ang mood ko. Kaninang umaga ay hindi naman ako ganito. Hindi naman mainit ang ulo ko until nung dumating si Lexine at Vince. Bwesit!

"Ito naman. Ang init ng ulo. Baka may red flag ka." ani Kurt. What—what the fuck?!

"R-red— red what?! Ikaw Kurt, ah! Inuubos mo pasensya ko. Hindi ka na nakakatawa." seryosong wika ko sakanya.

"Nagseselos ka ba?" nagulat ako sa prangkang tanong na 'yon ni Vince. Saan naman ako magseselos?

"Kanino naman ko magseselos?" tanong ko.

He looked at me and smirked. "Saaming dalawa ni Lexine." wika niya kaya naman natigilan ako. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Nagseselos nga ba ako? Sanay akong ako lang ang nakakaaway ni Lexine at wala ng iba. Well, ako lang naman talaga. Pero, simula nung dumating si Vince, bakit parang ayoko ng makita si Lexi na may kabangayan na ibang lalaki? Am I being this possesive? May gusto ba ako sa kanya? No! Hindi puwede! We will stay as mortal enemy...forever.

Perfect Haters (COMPLETED)Where stories live. Discover now