Chapter 6: Vince!

2.2K 85 4
                                    

Lexi's Point of View

Naglalakad na ako ngayon papasok ng gate ng Empire High. Isang linggo na rin ang nakaraan ng ma detention kami ni Justine at pagkatapos nun, back to normal ulit kami. Mag-isa lang ako ngayon. Yung mga buwesit na babae kasing 'yon! Hindi man lang ako hinintay! Hmph! Mga buwiset sila! Bwesit!

"Hey, alam mo bang magkasama silang dalawa sa Detention ni Justine 1 week ago?"

"Oo. Feeling niya naman kinaganda niya 'yon."

"Ewan ko sa babaeng 'yan! Nakakairita na!"

"Oo nga. Tara na nga. Naiinis ako sa mukha!"

Umirap lang ako at nagpatuloy na ulit sa paglalakad. Alam kong ako ang chinichismis nila. So what? Bakit? Kinaganda ba nila ang pagchichismis sa akin? Ugh! Isa silang malaking bwesit dito sa mundo! Bwesit!

"Bad mood, I see." napaigtad ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na nagmula sa likuran ko. Lumingon ako at nakita si Vince na nakapamulsa at cool na cool na naglalakad.

Tumalikod ulit ako at nagptuloy na sa paglalakad. "Anong kailangan mo?" tanong ko na nanatiling nakatalikod pa rin.

This time, magkasabay na kaming naglalakad. At syempre, nagsisimula na namang magbulungan ang mga chismosang palaka.

"Look! Si Vince na naman!"

"Bakit niya inaagaw sa atin si Vince?"

"I heard na kasama niya si Justine a week ago and now? Si Vince na naman! What a flirt."

"Napakalandi. Nakakainis!"

Tumigil muna ako sa paglalakad at masamang tumingin kay Vince.

"What?" inosenteng tanong niya.

Inirapan ko siya. Hmph! "Dumistansya ka nga sa akin. Pinagchichismisan ako. Nakakairita." mataray na sabi ko.

Tumawa siya ng mahina. Wow! Anong nakakatawa? Hmph!

"Well..." panimula niya at mas lalong lumapit sa akin dahilan para umatras ako ng ilang hakbang. "Hindi naman totoo diba?" wika niya na ilang dangkal na lang ang layo namin at isang maling galaw ay mahahalikan ko na siya! No! Not my first kiss!

"A-ano ba, V-vince. Sabing d-dumistansya, eh." utal na sagot ko sa kanya. What the hell!

Malakas siyang tumawa at inilayo ang katawan sa akin. Hays! Bahagya akong nakahinga ng maluwag ng humiwalay siya.

Pero laking gulat ko ng akbayan niya ako! Oh my god!

"Oh my god! What the hell?!"

"What are you doing, Vince?"

"Alisin mo nga ang kamay mo!"

"Ang landi niya! For Real na talaga!"

"Vince, ano ba! Alisin mo nga yang kamay mo!" sigaw ko sa kanya habang inaalis ang braso niya na nakaakbay sa akin. "Ano ba, Vince!"

Perfect Haters (COMPLETED)Where stories live. Discover now