Chapter 46: Almost!

995 38 13
                                    

****

[Sabina's Point of View]

"No! You can't hurt her!" sigaw ko sa lalaking kaharap ko ngayon!

Ngumisi siya. "Yes, I can." anito.

Mariin akong pumikit at kinalma ang sarili ko. Hindi ako pwedeng mag-eskandalo ngayon dito dahil nasa Coffee Shop kami. Pero sa loob-loob ko ay gusto kong sirain ang lahat ng bagay dito! Matalim kong tiningnan ang lalaking kaharap ko na prenteng nakapandekwatro habang sumisimsim ng kape niya. Bumagsak ang tingin ko sa kape ring nasa mesa ko. Hindi ko man lang 'to nagalaw.

"Bakit ka nga pala nag-aalala sa kanya? May I remind you Ms. Mercado that it's not yet confirmed that she is your long.... lost sister." ngisi niya sa akin. Lalong kumulo ang dugo ko.

"You can't hurt her! Don't you dare hurt her." mahinahon ngunit madiing wika ko sa kanya.

Nagkibit-balikat siya at tumayo na. "Maigi mo siyang bantayan kung ganon." Tumayo na rin ako. "I can do whatever I want." atsaka niya ako tinalikuran.

Nanghihina akong napaupo ulit sa upuan ko at nilagok ang kape ko.

Hindi niya pwedeng saktan si Lexine! No! Hindi! Oo at galit ako sa kanya, hindi ko rin matanggap sa sarili ko na baka siya ang nawawala kong kapatid pero nangingibabaw sa akin ang takot na baka masaktan siya. Kung... kung siya nga ang kapatid ko at nakita'ng masaktan siya ay hindi ko kakayanin. Maraming masasaktan... pati si Justine.

Sinundan ko ang lalaking kanina ay kasama ko na ngayon na naglalakad na palabas ng Coffee Shop. I surely know this man. I meet him once, with my Dad at Empire High. Siya iyon. Siya si Mr. Cojuangco. Iyong papa ni Justine.

Muli akong napapikit at inisip si Lexine.

Isang buwan na noong nagsimula akong manmanan siya. At sa tingin ko'y napapansin niya ang palihim kong titig sa kanya. Hindi ko pa rin matanggap na baka siya nga ang kapatid ko. Kasi... natatakot ako na baka hindi niya ako tanggapin. Sinaktan ko siya noon. Inapi ko siya noon sa kagustuhan na mapasakin ulit si Justine. Pero ngayong makitang masaya sila sa isa't-isa... pinagsisihan ko ang lahat.

Noong first and second monthsary nila ay makikita mong masaya sila sa isa't-isa. I secretly cried that day. Nasasaktan ako. Naiinis ako sa sarili ko. Aaminin kong mahal ko pa rin si Justine... pero mahal niya na si Lexine. Ayoko nang lumaban.

Tumayo ako at kinuha ang bag ko sa lamesa. Naglakad na ako papalabas ng Coffee Shop nang may mabunggo ako.

"Sorry." tipid na anito. Tumingala ako at nakitang pamilyar sa akin ang mukha niya.

"It's okay." sabi ko at lalagpasan na sana siya nang bigla niya namang binanggit ang pangalan ko.

"Sabina."

Napalingon ako sa kanya. "What?" I asked.

"You know me?" tanong niya.

Awtomatikong nagsalubong ang kilay ko. "Hindi. And.. I'm not interested." wika ko at aalis na sana ng tinawag niya ulit ako. Tumigil ako ngunit hindi na ako lumingon pa.

Maya-maya ay naramdaman kong nasa tabi ko na siya. Sinamaan ko siya ng tingin. Anong kailangan ng lalaking 'to?

"Kevin." atsaka niya inilahad ang kamay niya. Tiningnan ko lang iyon pero hindi ko tinanggap.

Perfect Haters (COMPLETED)Where stories live. Discover now