****
[Lexine's Point of View]
Pagkatapos ng ganap sa BBCourt ay kumain na muna kami dito sa Cafeteria. Mamaya kasi ay magaganap na ang Interhigh, Closing Remarks kung saan iaanounce na ang champion sa bawat sports.
"Grabe ha, hindi niyo agad sinabi sa amin," tudyo sa amin ni Kristelle na ngayon ay katabi ni Vince.
Justine shrugged. "Akala namin napansin niyo na." anito.
Kristelle glared at her. "Pero mas maganda kung sinabi niyo sa amin kaagad!" she snapped dahilan para matawa kami.
Nasa harap namin nakaupo sila Vince at Kristelle habang si Danica naman ay nasa kaliwa ni Kristelle at si Vince ay nasa kanan. Katabi naman ngayon ni Danica si John Roy. Katabi naman ni Vince si Loraine na katabi si Val. Si Kris naman ay nasa tabi ko na katabi si Jeselle at si Mark at Jeffrey naman ay katabi si Justine habang si Jeric at Ayanna ay nandoon pa rin sa counter, umuorder ng pagkain nila.
"So ang NBSB naming bestfriend ay taken na! I'm so proud of you!" ani Angel. Natawa naman ako nung sikuhin siya ni John Roy.
"Ewan ko sayo, Gel." I said. At ipinalibot ang paningin sa kanilang lahat.
"How 'bout you all? Kumusta lovelife niyo?" then I diverted my gaze on Jeselle and Kris, "Kayo, Kris and Jeselle? These past few days ay may napapansin ako sainyo ah, sabihin niyo na kaya." naniningkit ang matang wika ko. Nagkatinginan naman muna sila bago sa akin humarap si Kris.
"Ahm...w-well, as you can see, ahm," tila hindi nito matapos-tapos ang sasabihin. I saw from my peripheral vision that Kristelle rolled her eyes.
"C'mon brother!" sigaw nito at tumingin sa akin. "Lexi-girl, Kris is courting Jeselle. And Jess is so very happy because her ultimate crush is now courting her." walang pag-aalinlangan na sagot ni Kristelle sa akin. Parehas na nanlaki ang mata ng dalawa. Namula si Jeselle na ikinangiti ko.
"Sis!"
"Kristelle!"
At sabay pa talaga sila dahilan para matawa si Kristelle. Napalingon naman ako kay John Roy at Angel na pareho ng walang imik. I raised my left brow. "Hoy. Kayong dalawa?" tanong ko sa kanila.
"Wala." sabay na sagot nila. Hindi na kami sumagot pa at nagpatuloy nalang kami sa pagkain habang masayang nag-uusap ngunit si Danica naman ay napakatahimik. Isinawalang bahala ko na lang iyon at kumain na lamang hanggang sa dumating na rin si Jeric at Ayanna.
"Justine, washroom lang ako." paalam ko kay Justine. Tiningnan niya naman ako at tumango.
"Okay. Bilisan mo." anito. Tumango naman ako sa kanya bago tumayo at tinungo ang washroom.
Nang makarating ako sa washroom ay binuksan ko na ang pinto nun. Dumerecho ako sa faucet na nasa harap ay malaking salamin. Binuksan ko na ang faucet at hinayaang dumaloy ang malamig na tubig sa kamay ko nang may tumabi sa akin at binuksan rin ang katabing faucet ng sa akin. Napalingon ako at nakitang si Sabina iyon, matalim ang tingin sa akin kapagkuwan ay ngumisi.
"Ipinagmamalaki ka ng boyfriend mo, ah." aniya na diniian ang pang-apat na salita, hindi ako sumagot sa kanya. "Ang saya mo na ngayon, no? Nasayo na yung dating sa akin. Alam mo, binalaan na kita. Pero bakit inagaw mo pa rin?" taas ang kilay na dagdag niya pa.
YOU ARE READING
Perfect Haters (COMPLETED)
Novela Juvenil"We both hate each other. We both don't want each other.. and we didn't expect us to love each other. Destiny is really playful."