Chapter 18: Rooftop Prince

1.5K 50 0
                                    

***

Lexi's Point of View

Hays! Iniwan na naman ako ng mga babaeng 'yon! Ang galing talaga mang iwan ng mga yun pero kapag ako, hinihintay ko naman sila! Bwesit, ah!

Naglalakad na ako ngayon papasok sa gate ng Empire High at ako lang mag-isa. Geeez.

It's been 3 days na nga pala since ginanap yung Aquaintance Party. At sa loob ng 3 days na yun ay medyo gumaan ang atmosphere sa pagitan namin at ng XBANG. Kumbaga, medyo nabawasan na ang bangayan at awayan. At sa loob ng 3 days na yun ay... naa-awkward ako kay Justine. I don't know the reason but isa lang ang sure ako. Nung kiniss niya ako sa noo. Alam kong yun ang ang rason kaya nagkakaganito ako. Kinakausap niya nga ako pero nahihiya naman ako. At hindi man lang siya nagpaliwanag kung anong ibig sabihin nun. Nakakainis.

"Mag-isa ka ngayon, ah."

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Kurt na naglalakad habang may dalang book at softdrinks.

Kumunot ang noo ko. "Ikaw din naman. Tsaka kay aga-aga nag sosoftdrinks ka."

Tumawa siya ng mahina. "Hindi sa akin 'to. Kay Mark 'to."

"Ah." maikling sagot ko.

Hindi na ulit ako nagsalita at nagpatuloy na rin siya sa paglalakad. Nagpaalam na siya at kumaliwa na dahil may klase sila ngayon History samantalang kami naman ay sa Math. Pero minsan, nagkakasabay kami ng klase. Yung XBANG kasi ay pumapasok sa kung anong gusto nilang pasukan samantalang kami ay sumusunod sa schedule.

Pagkapasok ko sa room ay konti lang ang nadatnan kong estudyante. Ipinalibot ko pa ang paningin ko at pati mga kaibigan ko ay wala. Tanging si Jeselle lang ang nandito. Kaya naman lumapit ako sa kanya.

"Hoy, Jess. Bakit mag-isa ka?" tanong ko sa kanya pagkaupo ko sa katabi niyang upuan.

"Si Danica at Lorraine ay pinatawag ni Josh..." yung baklang President namin. "Tsaka si Kristelle ay nagpasama kay Angel sa Mall." aniya at ibinalik ang tingin sa libro.

Nagtaka ako. "Teka, wala ba si Ma'am Benitez?"

Ngumiti siya at umiling pagkatapos ay nagbasa ulit. Okay. Anong mapapala ko sa babaeng ito kapag may hawak itong libro? Wala! Nakakalimutan niyan lahat kapag hawak niya ang libro. Bwesit.

Tumayo ako at nagpaalam kay Jess na mag aadventure muna. Lah. Joke lang. Maglalakad lakad muna ako. Wala naman akong ginagawa dito eh. Atsaka, parang gusto kong makalanghap ng fresh air. Feeling ko nasuffocate ako sa loob ng three days na yun.

Pumunta ako sa Main Building ng school na ito dahil nandoon ang rooftop. Yup. Aakyat ako doon but I need to be alert. Kasi ganitong mga classes time ay bawal pang umakyat sa rooftop. Pero, I need to break those rule.

Pumunta ako sa pinakagilid ng building dahil nandoon ang way papuntang rooftop. Nagmasid masid din ako pero wala namang mga tao. They are probably on their room, listening to their lecturers. Hays.

Nandito na ko sa pinto papasok ng rooftop. Pinihit ko na ang doorknob at... WOW! Bumungad sa akin ang napakapreskong hangin. Pumunta ako sa may railings at napangiti ako. Kita dito ang kabuuan ng Empire High at ang lawak palang talaga. Naalala ko tuloy yung pagpo-propose ni Justine sa akin dito. Haha! Grabe effort niya doon. Atsaka, may paflowers-flowers pa at...

Perfect Haters (COMPLETED)Where stories live. Discover now