Chapter 59: 6th Monthsary

957 34 1
                                    

***

[Lexine's Point of View]

Hinayaan ko siyang hilahin ako paakyat ng bahay, tila alam niya ang pasikot-sikot dito. Bumagsak ang tingin ko sa magkahawak naming kamay. Bibitaw na ako, bibitaw na kami. Tumatakbo kami sa mahabang pasilyo nitong second floor at tumigil sa isang maliit na pinto ngunit sakto lang para magkasya kami para makapasok doon. Hindi ko alam na may kwarto'ng ganito dito. Bakit alam niya?

Binuksan ni Justine ang pinto at pumasok kami doon. Namangha ako sa loob. May isang malaking T.V at isang set ng sofa ang naroon, sa gitna ay may coffee table. Cozy ang kwarto'ng ito. May isang sliding door kung saan kapag binuksan mo ay bubungad sa iyo ang balcony, doon kami pumunta ni Justine.

Marahan niyang inislide ang sliding door at bumungad sa'kin ang preskong hangin, isang lamesa na puno ng pagkain with wine, na may dalawang upuan. Lumingon ako kay Justine, nadatnan ko siyang nakatitig sa'kin.

"Hinanda mo 'to?" wala sa sariling tanong ko.

Tumango siya, "Yup. Surprise ko sa'yo. Hinanda ko habang tulog ka, pero syempre sa tulong ni Sabina.." wika niya.

Hindi ako nakasagot sa kanya at maluha-luhang ibinalik ang tingin sa hinanda niya. Naghanda siya para isurpresa ako. Dapat masaya kami ngayon, dapat masaya siya ngayon. Pero heto't sinasaktan ko siya. Paano kami nito magiging masaya?

Hinila niya ang upuan upang makaupo ako. Nang makaupo ako ay umikot siya para umupo sa harap ko. Tumingin siya sa relo niya. Kanina pa siya tingin ng tingin diyan.

Umayos ako nang upo at tinitigan siya. Mapait akong ngumiti nang muling maalala ang nabuo naming ala-ala noong magkasama pa kami.

Never underistimate the word love. Kasi dahil sa salitang yan ay nagagawa mo ang mga bagay na hindi mo dapat ginagawa. Iyong tipong hindi ka nakikipaghabulan pero pagdating sa pagmamahal ay nagagawa mo iyon. Iyong wala kang pakialam pero pagdating sa pagmamahal, nagkakaroon ka nun. Hanggang sa umabot sa puntong kaya mo nang isakripisyo ang lahat, kahit maubos ka pa. Ngunit, sa pagmamahal, ay kailangan mo ring magsakripisyo, at masaktan. Ganyan ang pagmamahal.

Noon pa man ay hindi ko inisip na magkakaayos kami ni Justine. Dahil simula't sapul ay magkaaway na kami. Kahit maliit na bagay ay pinagbabangayan namin. Isang ngisi niya lang ay naiinis ako. At alam kong kapag nakikita niya ang presensya ko ay naiinis rin siya. Pero, mapaglaro nga talaga ang tadhana, hindi namin inaasahan na hahantong kami sa ganito.

"Lexine," nabalik ako sa realidad nang tawagin niya ang pangalan ko, nakatayo na siya ngayon sa harap ko habang nakalahad ang kamay niya sa'kin.

Tumingala ako at nagtataka ko siyang tiningnan, "Saan?"

Malungkot siyang ngumiti, lumingon ako sa kamay niya at dahan-dahan yun na hinawakan. Inalalayan niya akong tumayo at pumunta kami sa railings ng balcony. Kita mula dito ang ilaw ng bawat bahay, tumatama sa mukha namin ang preskong hampas ng hangin.

Tumingin siyang muli sa relo niya, "Now," he whispered.

Magtatanong na sana ako kung anong ibig niyang sabihin nang marinig ang malakas na pagtunog. Umawang ang labi ko nang makita ang mga fireworks na nakakalat sa kalangitam. Iba't-iba ang kulay nito at napakaganda. Sunod-sunod na fireworks ang pumutok. Nalaglag ang panga ko sa sumunod na nangyari!

Perfect Haters (COMPLETED)Where stories live. Discover now