****
[Lexine's Point of View]
Justine? Anong klaseng ngiti yun? Bakit parang kakaiba? Wait. Ayokong mag-assume, okay? Ayoko. Oo. Gusto kita. Pero hindi yun sapat na dahilan para isipin ko na gusto mo rin ako. Sweet ka sa akin minsan. May pakiss-kiss ka pa nga sa noo ko but that doesn't mean that you like me too, right? Maybe, for you, it was only a friendly gesture. Pero hindi mo alam, ang laki ng epekto nun sa akin.
"Lexine?" napalingon ako sa likod ko nang may tumawag ng pangalan ko. Doon ay nakita ko si Mrs. Irina Cojuangco at may maliit siyang batang babae na kasama.
I smiled. "Good Morning po, Ma'am." tsaka ako bumaling sa batang babae. "Hi, baby girl." nakangiting wika ko, pinipigilan ang sarili huwag lang makurot ang pisnge ng batang 'to. Ang cute kasi, eh.
"You are the Empire's Basketball Team's Muse, right?" biglang tanong sa akin ni Mrs. Cojuangco. May dala itong camera.
Ngumiti ako. "Opo, Ma'am."
She nod. "I see. You look elegant today, Lexine." nakangiting wika niya. "Can I sit beside you?" tanong niya pa. Tumango naman ako at inalalayan pa siyang umupo. "Thank you." aniya.
"You're welcome po." wika ko at ibinalik na ang tingin sa Court.
Hawak na ngayon ni Vince ang bola. Seryoso na sila ngayon at talagang ramdam mo na ang tensyon sa pagitan ng dalawang team. Tila nag-uusap sila gamit ang mga mata nila dahil hindi maalis-alis ang titig nila sa isa't-isa. Maya-maya ay ipinasa ni Vince ang bola kay Jeric at agad ipinasa kay Justine dahil siya ang pinakamalapit sa ring kaya ayun, hulog. Nagsigawan naman ang mga fans nila. Pumalakpak na lang din ako.
"Pagaling ng pagaling ang anak ko, ah." rinig kong wika ni Mrs. Cojuangco na nakangiting nakatingin sa anak niya na kinakawayan ang mga fans.
"Maybe, he was born to play basketball." nakangiting wika ko rin dahilan para tingnan niya ako.
"Or maybe, he has his inspiration that's why gumagaling siya, diba? Malay mo ikaw yun?" nakangiting wika niya pa. Pero hindi ko nagawang sumagot. Inspirasyon? Siguro meron nga siyang inspirasyon kaya siya gumagaling. Pero ako? Sus. Imposible yun.
"By the way, this is Aaliyah. Justine's cousin." pakilala niya doon sa batang babae.
I smiled. "Hello, baby Aaliyah." I said.
"Hi po." ang cute ng boses niyaaaa!!
Hindi ko napigilan ang sarili ko at nakurot ko na nga ang pisnge ng batang yun. Tumawa lang naman na siya pagkatapos ay nanood na ulit kay kuya Justine niya.
Tumingin nalang ako sa Court at nakitang hawak na ng SoutVille ang bola. Hawak ni Kevin na pilit inaagaw ni Justine. Lamang na naman ng isa ang SouthVille. 10-9 ang score. Ano ba naman yan.
Maya-maya ay tumatakbong nagdidribol si Kevin at nagtuturo ng mga pwesto. Andun na sa tinurong pwesto ni Kevin iyong kakampi niyang katorse ang numero. Ipinasa na ni Kevin ang bola at umaasta naman si Katorse na sasaluhin ng biglang...
"WAHHHH!! ANG GALING MO KURT!!"
"YIEEEE! WIN THIS GAME, KURT!!"
YOU ARE READING
Perfect Haters (COMPLETED)
Teen Fiction"We both hate each other. We both don't want each other.. and we didn't expect us to love each other. Destiny is really playful."