Chapter 34: Can I Court You?

1.4K 47 1
                                    

***

[Lexine's Point of View]

Nagising ako sa maingay na tunog ng maganda kong alarm clock. Tiningnan ko kung anong oras na at nakita kong 9:25 am na. Humiga ulit ako at hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ko at nagising ulit mga bandang 11:15. Okay lang naman. Wala namang laro ngayon!

Bumangon na ako at pipikit-pikit na nagtungo sa C.R. Then I did my morning routine. Naghilamos ako. Nagtoothbrush. Nagsuklay. Nagligpit. Nag-ayos ng konti tsaka bumaba na sa baba. Naabutan ko doon si Nanay Josie na nagluluto ng magiging breakfast ko. Agad ko namang niyakap si Nanay mula sa likod.

"Goodmorning, nanay!" masiglang bati ko rito.

Nanay Josie smiled. "Goodmorning din, anak." sagot niya sa akin. Ngumiti nalang ako at kumuha ng pinggan para doon ilagay ang luto na na bacon namin ni Nanay.

Nang matapos magluto si Nanay ay sabay na kaming kumaing dalawa.

"Nililigawan ka na ba ni Justine, anak?" kapagkuwan ay tanong ni Nanay. Natigilan ako.

"Ahm, h-hindi pa po, nanay eh." nahihiyang wika ko. Ngumiti naman si Nanay.

"Alam mo, ganyan din ang nanay mo at ang tatay mo." aniya at ngumiti. Agad naman akong naging interesado. "Magkaaway din ang mama mo at papa mo. At syempre, kasing ganda mo rin si mama mo kung kaya't pinag-aagawan ng lalaki. Sa totoo lang, tatlo silang magkaibigan ng mama mo at sa hindi inaasahan ay nahulog ang dalawang lalaki kay Shaniah." she said pertaning to my mom. "Pero inamin ng mama mo na may gusto din siya kay Lyndon, ang papa mo kung kaya't nagalit si Judson at doon nasira ang pagkakaibigan ng tatlo."

"Hanggang sa ikinasal si Shaniah at Lyndon ay galit pa rin si Judson. Pero mas lumala ang galit nito noong ipinanganak ka ng mama mo at... hindi kinaya ng mama mo." Paused. "Ngunit may tanong ako, anak?"

I frowned. "What is it, Nanay?"

"Kilala mo ba kung sino ang ama ni Justine?"

Agad akong umiling. "Hindi po. I only know his mother. Sabi po kasi ng mga kaibigan niya, madalas talagang busy ang papa ni Justine."

"Hindi mo alam kahit pangalan nito?" tanong ulit ni Nanay Josie.

Umiling ako. "Hindi po, Nay, eh. Bakit po ba?" tanong ko.

Nagpatuloy naman sa pagkain si Nanay. "Wala naman. Napapansin ko lang na may pagkahawig si Justine at Judson. Baka kasi magkamag-anak sila." wika ni Nanay at kumain na rin.

Wow. Ang ganda naman ng story ni Mama.  Pagdating talaga kay Mama, interesado ako. Siguro kasi, kaya ako interesado kasi hindi ko siya nakasama. Hays.

Pero, wow lang, di'ba? Ang haba ng hair ni Mom. Pinag-aagawan siya nang two boys. Hehe. Sana ol. Pero, ano daw? Magkahawig si Justine at Judson? At kung si Mr. Judson nga ang papa ni Justine, galit yung papa ni Justine sa akin. Kasi nga diba, nagpakasal si Mama Shaniah at Papa Lyndon tapos ako ang naging bunga na mas lalong ikinagalit ni Mr. Judson. So, kung sakaling papa man ni Justine si Mr. Judson, at niligawan ako ni Justine at sinagot ko siya, posibleng maging hadlang siya sa magiging relasyon namin.

Aish! I shook my head to remove my thoughts away. Minsan talaga, kahit saang lupalop nakakarating ang imagination ko. Bwesit!




Perfect Haters (COMPLETED)Where stories live. Discover now