Chapter 35: Sabina's Side

1.3K 39 4
                                    

***

[Sabina's Point of View]

"Sab, ano ba, tama na yan!" sigaw sa akin ni Lia, kaibigan ko dito sa bar na iniinuman ko. "Kanina ka pa inom ng inom! Will you please stop?!" pasigaw na wika niya sa akin. Tiningnan ko siya ng masama.

"And will you please shut up?!" pabalik na sigaw ko sa kanya. "Wala kang alam sa pinagdadaanan ko kaya tumahimik ka!!" malakas na sigaw ko pa.

Tiningnan niya lang ako ng masama at hindi na siya nagsalita pa. Muli akong uminom ng vodka at nararamdaman kong unti-unti na akong nahihilo. Unti-unti nang nanlalabo ang mga mata. Tanda na tinamaan na ako ng alak na iniinom ko. Pero nagawa ko pa rin na tumayo at sinikap na makalabas mula sa bar. Maraming tao akong nabangga pero wala akong pakialam! Bahala sila sa buhay nila!

It's been 6 days since nalaman kong nililigawan ni Justine si Lexine. After kong malaman yun ay pumunta kaagad ako dito sa bar at nagpakalasing. And up until now, napunta pa rin ako dito! Hindi ako tumitigil sa kakainom hangga't hindi nawawala ang sakit! Paano nila nakayang maging masaya habang nasasaktan kaming nagmamahal sa kanila? Paano nila nagawang magpakasaya habang kaming nagpapahalaga sa kanila ay nagdudusa?

Well, kasalanan mo yan, Sab. Panindigan mo.

Minahal ko si Justine at hindi ko itatanggi na hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya. Pero noong bumalik ako ay alam ko nang may mahal na siyang iba. Alam kong noong una ay hindi yun napapansin ni Lexine. At ginawa ko ang lahat upang bumalik sa akin si Justine. Pero kahit anong gawin ko, ayaw niya na. Nagsimula na rin siyang mag-alala kay Lexine at doon ako nagalit! Binully at sinaktan ko si Lexine. Pero nasaktan ako sa part na sinigawan ako ni Justine noong malaman niyang sinaktan ko ang mahal niya! Kanino bang kasalanan, ha, Sab? Sino yung nang-iwan? Ikaw diba? Yan.

Patuloy na pumapatak ang luha ko habang naglalakad ako patungong parking lot. Naaninag ko ang kotse ko pero nawala agad yun sa paningin ko nang may nabunggo ako at natumba ako.

"Hala. Sorry." the woman said. Tinulungan niya akong tumayo at kapwa kami nagulat ng makita namin ang isa't-isa.

Natambad si Lexine sa harap ko na naka backless fit red dress na pinatungan ng maong na jacket. At alam ko kung kaninang jacket yun. It's Justine's.

"Sabina. What are you doin' here? Lasing ka na." wika niya sa akin at inalalayan ko pero tinulak ko siya.

I glared at her. "Don't you dare touch me!" malakas na sigaw ko sa kanya. Mabuti nalang at uunti lang ang tao dito.

"Look, Sab. Lasing ka. Let me take you to your car." aniya at sinubukan ulit akong hawakan pero umiwas ako.

"Don't touch me!" sigaw ko ulit sa kanya.

She frowned. "But you need to go home. You're drunk, Sabina."

I smirked. "And why do you care? Wala kang pakialam! Kaaway kita diba? Inaway kita diba? Sinaktan kita! Masama akong tao kaya layuan mo ako, you bitch! Huwag mo akong hawakan at kausapin! Huwag! Inagaw mo na lahat sa akin! Nasa saiyo na si Justine—"

"I'm gonna call Justine para ihatid ka, okay? And, hindi porke kaaway mo ako ay kaaway na rin ang tingin ko sayo." walang emosyong wika niya kapagkuwan ay kinuha niya ang cellphone niya at may tinawagan.

Perfect Haters (COMPLETED)Where stories live. Discover now