***
[Lexine's Point of View]
Mr. Cojuangco was true to his words, dahil kinaumagahan ay naririnig ko na ang ingay mula sa baba. Nandito kami ngayon sa bahay ni papa, dito ako umuwi kagabi. Alas tres palang ng umaga ay nagdiriwang na sila dahil sa pagbabalik ni Sabina. I wanted to hug her but hindi ko kayang bumangon mula sa pagkakahiga. Ayoko. Pagod ako. Mas okay na ang marinig na nandito na si Sabina. I can't ask for more.
Ipinikit ko na lang ang mata ko para matulog ulit... and I did. Nagising ako around 6:30 at kaagad akong naligo para magbihis. I blowdry my hair at hinayaang bumagsak ang buhok ko. Walang gana akong lumabas ng kwarto ko at bumaba sa hagdan at dumerecho sa kusina. Hindi ko na pinansin pa ang tawag ni Cedric sa akin.
Tipid akong ngumiti nang nakita si Papa at si ate Sabina sa hapag kainan. I hope I made the right decision. Well, I guess, I made it. Ang makitang nakabalik na si Ate Sabina ay masaya na 'ko, pero may mawawala naman sa akin.
"Lexine.." Ate Sabina muttered, nanggigilid ang luha niya nang tumayo siya sa kinauupuan niya upang yakapin ako!
I hugged her back, she's now crying on my shoulders. Hindi rin ko rin maiwasang tumulo ang luha ko. I miss her so much!
"Tahan na.." I said softly.
She shook her head, "Nope. I'm sorry.. It's my fault.." she cried.
I caressed her back and smiled sadly, "It's not your fault 'cause it's my choice. Pinapili ako, Sab, at ang pinili ko ay ang iligtas ka, so... tahan na." I said, kahit sa loob-loob ko ay nasasaktan na rin ako.
"I know, but—"
"No buts. Let's eat." I cut her off at humiwalay na muli sa pagkakayakap niya. Ayoko nang pag-usapan pa yun dahil mas lalo lang akong inaataki ng pagsisisi nang dahil sa naging desisyon ko. Dumerecho na ako sa pwesto ko at tahimik na kumain. Hindi na muling nagsalita pa si papa, Sabina, habang si Cedric naman ay nasa sala.
Nang matapos kumain ay nagpaalam ako kina Papa at Ate Sabina na aakyat muna. Nang dumaan ako sa sala ay muli akong tinawag ni Cedric, nilingon ko siya at binigyan ng ngiti bago tuluyang umakyat sa taas. I brushed my teeth then I took my bag para lumabas at bumaba ulit. Ngayon ko lang din napansin na hindi nakabihis ng school uniform si Sabina.
"Hindi ka papasok?" tanong ko nang makita siyang nakaupo sa sala.
She smiled, "Dad and I will go sa hospital. Gusto niya raw akong ipacheck-up," she said then she chuckled.
I nodded, "That's good," I said before pumunta kay Papa na busy sa laptop niya, humalik ako sa pisngi niya at nagpaalam na.
"Bye, Pa." I said, "Take care kayo mamaya," I added. Tiningnan naman ako ni papa at nginitian.
"We will," he said atsaka tumingin kay Cedric, "Hindi ka naman papasok, hatid mo na si Lexine, Cedric." utos ni papa. Tamad na binitawan ni Cedric ang phone niya at pumunta sa tabi ko. Nagpaalam ulit kami na aalis na tsaka lumabas ng bahay.
Pumasok na kaagad ako sa sasakyan habang umikot naman si Cedric para makapasok sa driver's seat. Tahimik kong ikinakabit ang seatbelt ko at ganon din ang kasama ko. Ang tahimik naman ata ni Cedric ngayon. Usually, kapag magkasama kami ay maingay siya, kahit may problema ako. Ngayon lang siya naging tahimik.

YOU ARE READING
Perfect Haters (COMPLETED)
Teen Fiction"We both hate each other. We both don't want each other.. and we didn't expect us to love each other. Destiny is really playful."