Chapter 42: Mr. Judson James Cojuangco

1K 42 3
                                    

***

[Lexine's Point of View]

“Bye, girls!” sigaw ko sa kanila bago ako pumasok sa sasakyan na sumundo sa akin. They bid their goodbye's and take care's too before they go inside their cars.

Uwian na namin ngayon, hindi namin kasabay ang XBANG kasi may importante silang pag-uusapan about doon sa pagiging champion nila noong Interhigh. Noong una nga ay ayaw ni Justine sumali sa meeting nila dahil gusto niyang makasabay ako pag-uwi, but I forced him to join. Oo, gusto ko rin siyang makasama pero kailangan niyang makicooperate sa usapan nila lalong-lalo na't MVP siya.

“Hi, Manong Ramon!” bati ko kay Manong Ramon nang makapasok ako sa sasakyan namin. Ngumiti naman sa akin si Manong Ramon mula sa rearview mirror. By the way, kadarating lang ni Manong kagabi.

“Hello, Ms. Lexine. Ang saya natin ngayon ah.” anito.

Tumawa ako. “Hindi naman po, Manong! Tara na po.” masayang wika ko. Tumango naman si Manong sa akin at inistart na ang engine ng sasakyan at nagsimula ng magdrive.

Pinili ko munang magpatugtog kaya naman isinalpak ko ang earphones ko sa tenga ko. Pumili ako ng random songs at napangiti ng marinig iyong isa sa paborito ko.

I don't want another pretty face

I don't want just anyone to hold

I don't want my love to go to waste

I want you and your beautiful soul

You're the want I wanna chase

You're the one I wanna hold

I won't let another minute go to waste

I want you and your beautiful soul

'Eto yung kinanta sa akin ni Justine noong niligawan niya ako. Para sa akin ay napakamemorable ng kantang 'to. Isa talaga 'to sa kanta na hindi ko malilimutan! Ang ganda rin kasi ng message nito. Omyghad! Napangiti tuloy ako nang maalala na naman iyon. Ha! Kaaway ko lang noon, tingnan mo nga naman ngayon! Nothing is imposible nga talaga!

Isang oras ang lumipas at dumating na kami dito sa bahay. Bumaba na ako nang nasa tapat na kami ng gate at kusa ng pumasok habang ipinark naman ni Manong Ramon ang sasakyan sa Garage.

Naabutan ko si Nanay Josie na nakaupo sa sala habang nanonood ng T.V. Napangiti ako. Gusto ko yung ganito lang. Ayoko ng masyado silang napapagod. Kasi, for sure, napagod sila noong pinapalaki nila ako. Malikot daw ako at makulit, iyon ang sabi sa akin ni Tita Shannon.

Ngumisi ako sa naisip at agad na lumundag papunta kay Nanay. Muntik pa siyang atakihin sa gulat pero tinawanan ko lang siya!

“Ano ka ba namang bata ka! Huwag mo akong gulatin ng ganyan at baka atakihin ako sa pusong bata ka!” sermon sa akin ni Nanay Josie. Hindi ako sumagot sa kanya at niyakap lang siya. “Anong nakain mo at naglalambing ka ngayon, ha, Lexine?” natatawang wika ni Nanay.

Tumingala naman ako sa kanya. “Thank you, Nanay.”

Ngumiti siya. “Para saan?”

Perfect Haters (COMPLETED)Where stories live. Discover now