Chapter 57: Choice

840 39 8
                                    

***

[Lexine's Point of View]

Nagising ako nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. Umikot ako sa kabilang side at niyakap ang unan ko upang maiwasan ang pagtama ng sinag ng araw sa mukha ko. Ayoko na munang bumangon at tumayo, pagod ako. Pagod ako kakaiyak kagabi. At itong araw na ito ang kinatatakutan ko. Muling akong pumikit at hindi ko alam kung anong oras na nang magising ako. Nakaramdam nalang ako ng tapik sa pisnge ko. Pagkamuklat ko ng mata ay tumambad sa akin si Kevin na nakaupo sa kama ko. Kinusot ko na muna ang namumugto kong mata bago umupo sa kama.

"Akala ko umuwi ka na," bungad ko sa kanya.

Nagkibit balikat siya at tumayo na mula sa pagkakaupo, "Umuwi ako kanina, nagbihis at pumasok. Bumalik rin ako kaagad," sagot niya.

Napatanga ako sa sinabi niya! Oh shit! Oo nga pala! May pasok pala kami ngayon! Mapait akong ngumiti. Pati ang pagpasok sa eskwelahan ay nakakalimutan ko na rin. Nakakainis naman.

Tumingin ako sa orasan at nakitang ala una na ng hapon. Tamad akong tumayo mula sa kama at niligpit ang higaan ko. Ayoko nang umiyak. Napapagod na ako. Napapagod na ang mga mata ko. Wala na nga atang luhang mailalabas 'to.

"Kain ka na. Naghanda na si Manang Josie," ani Kevin.

I looked at him and smiled, "Okay," sagot ko at pupunta na sana sa C.R nang may maalala, lumingon ako kaagad sa kanya, "Hinanap ako ni Justine?" nag-aalalang tanong ko.

Malungkot na ngumiti sa akin si Kevin at naglakad papunta sa akin para tapikin ang balikat ko, "Sana ay hindi mo pagsisisihan ang desisyon mo, Lex. Masasaktan ka, masasaktan din ako.." he sighed, "Sinabi ko sa kanya na may importante kayong lakad ng biological dad mo, text mo na lang siya." wika nito bago ako nilagpasan at lumabas na ng kwarto ko.

Sandali akong natulala bago kumaripas papunta sa side table at pabalang na kinuha ang cellphone ko. Binuksan ko kaagad iyon at nakitang may 16 missed calls at 10 messages si Justine. Huminga ako ng malalim at pinindot ang call button.

"Damn, baby. How are you? Hindi ka nagtext sa akin na may lakad kayo ng papa mo! I was so worried! Thanks to Kevin he told me kaagad!" bungad sa akin ni Justine, bahagya ko pang nailayo ang cellphone ko dahil sa lakas ng boses niya.

"Ah, ahm, I'm sorry for not t-telling y-you.." mahinang sinabi ko.

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim sa kabilang linya, "Are you okay? Nasaan kayo? Can I come?" sunod-sunod na tanong niya.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at naupo ulit sa kama. Ayokong magsinungaling pero kailangan. "I'm fine, b-babe.. Ahm, nasa, ano, nasa isang cafe kami.. Huwag ka ng pumunta.." Paused. "By the way, kumusta ka? May klase pa, di'ba?" tanong ko pabalik.

"Nandito kaming XBANG sa Empire College. Bukod sa titingnan namin ang result ng exam ay maglalaro kami. Hindi kami papasok." natatawang sinabi niya. Tipid akong ngumiti. That's it, Justine. Magpakasaya ka. Dapat masaya ka... kahit wala na ako sa tabi mo.

Nanggilid ang luha ko, "Okay then.. H-Have fun.." agad kong tinakpan ang bibig ko upang hindi kumawala ang mga hikbi! Damn it!

"My boo, I love you so much.." bulong niya pero rinig ko pa rin.

Pinahid ko ang luha ko, "I love you t-too, my bae.."

Perfect Haters (COMPLETED)Where stories live. Discover now