***
[Lexine's Point of View]
"Hey, Lexine. Goodmorning!" masiglang bati niya mula sa laptop na pinapanood ko. "Siguro kapag nakita mo 'to ay wala na ako, I mean, nakaalis na ako ng bansa." bumuntong hininga siya, itinapat niya ang camera sa mukha kong tulog, "Sarap nang tulog natin, ah. Mamimis ko yang pagmumukha mo, sayang nga lang at walang laway na tumulo." halakhak niya, ngunit hindi ko magawang sumabay sa tawa niya mula sa screen. Nag-uunahan na naman sa pagtulo ang luha ko.
Maya-maya ay sumeryoso siya at umayos ng upo, "Hindi ko alam kung bakit humantong sa ganito, ngunit nang sinabi mo ang dahilan ay doon ko naintindihan. Bukod sa pagligtas mo sa pamilya mo ay nawalan ka sa'kin ng pagmamahal, at naiintindihan ko 'yun. Pero gusto kong itanong kung saan ako nagkulang?" tumakas ang luha sa mata niya, "Pero mahal kita, e. Kaya lahat ng desisyon mo ay rerespituhin ko, kahit ito pa ang makakasakit sa'kin.." his voice broke, sunod-sunod na ang pagtulo ng luha niya.
"Alam mo Lexine, sa bawat araw na kasama kita ay hindi matutumbasan ng kahit ano ang nararamdaman kong saya. Naks, magkarhyme yun, ah." humalakhak siya ngunit patuloy ang pagbuhos ng luha niya hanggang sa nauwi ito sa hikbi, "Sa bawat araw na kasama kita ay mas lalo kitang minamahal, at mas lalo akong lumalakas. Kasi, tangina. Ikaw ang lakas ko. Kapag kasama kita ay nagiging malakas ako. Pakiramdam ko ay kaya kong malagpasan ang lahat, basta't nasa tabi kita.." tinakpan niya ang mukha niya at humikbi siya, hindi ko na rin napigilan ang paghikbi ko. Niyakap ako ni Kristelle mula sa likuran to comfort me.
"Pero wala na. Nang sinabi mo ang katagang ‘I'm breaking up with you’ ay alam kong tapos na ang lahat. Tapos na tayo. Tapos na ang lahat sa'tin. At alam mo kung ano ang nakakaputangina? Hindi ko inakalang magiging ganito kasakit. Ang sakit pala. Napakasakit. Para akong namatayan. Para akong nawalan." patuloy siyang umiiyak, tumingin siya sa natutulog kong mukha at marahang dunampian ako ng halik sa noo. Tinakpan ko ang bibig ko habang nanonood. Sana ay gising ako nang mga oras na yan. Sana ay naramdaman ko ang huling dampi ng labi niya. Sana ay narinig ko ang lahat ng sinabi niya. Dahil iba pa rin ang pakiramdam kapag narinig mo talaga ng personal. Sana. Sana gising nalang ako. Sana.
"Gagawin ko ang mga pangako ko sa'yo, tutuparin ko lahat nang iyon. Kahit mahirap. At sana tuparin mo rin iyong pangako mo sa'kin." ngumiti siya sa camera, "Palaging kumain sa tamang oras. Huwag na huwag kang kumain ng hindi masustansya. Huwag na huwag mong pababayaan ang sarili mo dahil wala na ako upang alagaan ka. At wala na akong pakialam pa sa'yo kapag nakita kita ulit. This will be the last." he cried, "Mahal na mahal kita, ikaw ang tanging lakas ko. Mag-iingat ka palagi. I love you, goodbye.." ngumiti siya sa camera bago pinatay iyon.
Hindi ko napigilan ang sarili kong sumigaw nang malakas nang dahil sa sakit at lungkot pati na rin galit sa sarili na nararamdaman ko. Galit at pagsisisi ang nararamdaman ko ngayon. Wala na siya saakin. Wala na! Tapos na ang lahat sa'min. Mapait akong ngumiti sa kawalan.
I love you too, Justine.. Goodbye..
7 YEARS LATER
[Danica's Point of View]
"Okay! Happy 25th Birthday, Lexine!" sabay-sabay na sigaw naming mga girls!
Ngumiti sa'min si Lexine, "Naks. Thanks, guys. Love you all!" ngumisi siya at isa-isa niya kaming binigyan ng halik sa pisngi.

YOU ARE READING
Perfect Haters (COMPLETED)
Dla nastolatków"We both hate each other. We both don't want each other.. and we didn't expect us to love each other. Destiny is really playful."