Chapter 28: Interhigh: Opening Remarks

1.3K 56 6
                                    

***

[Lexine's Point of View]

~Remember when I told you no matter where I go, I'll never leave your side you will never be alone~

"Argh!" malakas na sigaw ko at padabog na kinuha ang cellphone ko sa side table. Eh kasi naman, eh! Sino ba namang engot ang tatawag sa akin ng ganito kaaga? 5 am pa lang, eh! Tiningnan ko nalang ang Caller ID at..

Justine-Yabang is Calling...

Ano naman kaya ang kailangan ng isang to sa ganito kaaga? Umirap na lang ako at tinatamad na sinagot ang tawag.

"Hello?" inaantok na tanong ko. Narinig ko naman sa kabilang linya ang mahinang pagtawa.

"Natutulog ka pa ba? Nagising ba kita?" tumatawang tanong niya. Muli akong umirap.

"Ovious ba, ha? Kay aga-aga, tumatawag ka. Atsaka, ano bang kailangan mo?" naiinis na wika ko atsaka niyakap si Stitch na nasa tabi ko.

"Ang taray ah, siguro may laway ka pa jan sa gilid ng labi mo." natatawang wika niya. What the hell?! Ano bang trip ng lalaking 'to?!

"Umayos ka, Justine! Papatayin ko tong tawag na 'to, makita mo!" wika ko tsaka napaupo. Ghad! Inaantok pa ako, eh! Tiningnan ko ang wall clock at 5:26 na. Ghad! Nasayang ang 26 minutes ko na dapat ay itinulog ko nalang! Bwesit!

"Tingnan mo 'to, napakapikunin. Binibiro lang, eh."

I frowned. "Biro? Alam mo ba ang katagang, ‘Magbiro ka na sa lasing, wag lang sa taong bagong gising’? Upakan kita jan, eh!" malakas na sigaw ko sa kanya na lalong ikinatawa niya. Oo! Maganda ang tawa niya pero naiinis ako!

"Okay. Okay. Gusto ko lang ipaalala sayo na Interhigh natin ngayon."

"Huwag kang mag-alala dahil hindi ko nakalimutan. OA ka lang talaga." wika ko tsaka tumayo na sa kama. Grabe. Ang aga ko naman.

"So, pwede ba kitang sunduin mamaya?" marahang tanong niya.

"Bakit mo naman ako susunduin?" takang tanong ko.

"Kasi gusto ko?" patanong na wika niya kaya natawa ako.

"Okay. What time mo ba ko susunduin?"

"Ahm, 7:30 nalang. 8 am kasi magsisimula ang Opening Remarks."

Tumango ako kahit hindi naman niya ako nakikita. "Sige. Bye na. Maghahanda lang ako." tsaka ko ibinaba ang tawag.

Pumasok ako sa banyo at doon naghilamos at nagtoothbrush. Pagkatapos ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin tsaka ngumiti. Alam niyo ba yung feeling na kahit mabubully, masasaktan ka ng dahil sa isang tao ay wala kang pakialam? Sasama ka pa rin sa taong yun kasi hindi mo mapigilan ang sarili mo? Oo, gusto ko si Justine. At siya din ang dahilan kung bakit ako nabubully. Pero sa tuwing inaaya niya ako, I can't say no, eh. Siguro, kapag kasama ko siya, sumasaya ako. Nakakalimutan ko ang buong mundo kapag kasama ko siya. Hays.





[Danica's Point of View]

"Danica naman, eh. Sorry na kasi."

Perfect Haters (COMPLETED)Where stories live. Discover now