Lexi's Point of View
"Oh!" wika ni Justine sabay hagis sa akin ng Mineral Water.
Nandito kami ngayon sa labas ng Cafe. Medyo malayo-layo rin sa Cafe na pinuntahan namin kanina. Basta nasa labas na kami. Nakasandal ako ngayon sa isang Lamborghini na pagmamay-ari raw
ni Vince. Wala, eh. Big time. Kaya Luma-lamborghini. Duuuh.Sinubukan kong buksan ang mineral water pero hindi ko mabuksan-buksan. Naiinis ko itong nilingon at patuloy pang binubuksan ng may kumuha sa akin nito mula sa kamay ko.
Si Vince.
"Ano ba kasing nangyari sa inyo ni Ayanna?" tanong niya pagkabalik saakin ng Mineral Water.
Umirap muna ako sa kawalan bago ko siya sinagot. "Tanungin niyo siya." sabi ko at uminom na ng tubig.
Rinig ko ang malalim niyang buntong hininga bago sumandal sa tabi ko. "I'm asking you, Lexine." anito. Muli akong umirap.
"Tanungin niyo nga siya, di'ba?" mataray kong sagot. Hindi pa rin talaga ako makamove-on sa babaeng yon! Ano bang problema nun at nagkaganon?! Mukhang timang! Bwesit!
"Lexine Del Valle." napalingon ako sa nagsabi ng full name ko. Sinamaan ko ng tingin si Justine tsaka ako humarap sa kanila. Ngayon ko lang din napagtanto na nakatingin na din pala sila sa akin.
"Fine." sabi ko at ikrinus ang braso. "Siya ang nauna. I was just taking my order then nung pabalik na ako ay pinatid niya ako. At doon na nagsimula ang lahat." naiiritang wika ko.
They sighed. Oo! Lahat sila! Halos sabay pa nga, eh!
"Sana hindi mo nalang pinatulan.." wika ni Kurt na may kinakain na burger. Pero what? Akala ko may sakit ito?
"Oh? Bakit ka nandito? Akala ko may sakit ka?" nagtataka kong tanong. He frowned.
"Bakit mo alam?" nagtataka niyang tanong.
I rolled my eyeballs on him. "Syempre. Bestfriend ko si Dan—" What the hell?! Hindi ko na natuloy iyong sasabihin ko dahil isinubo niya sa akin ang burger na kanina lang ay kinakain niya! What the hell?! Pero infairness, masarap naman.
"Oh, diba? Masarap!" anito at tumawa.
"Pero sana talaga hindi mo nalang pinatulan.." wika ni John Roy.
Nilunok ko muna ang Burger na pinakain sa akin ni Kurt bago nagsalita. "Duh. Kilala niyo akong palaban. Kaya lalaban ako." seryosong wika ko.
Bumuntong hininga ulit sila. What's with the freaking sigh? Enlighten me, please!
"Mabuti kung pumunta muna tayo sa Barbecue Shop ni Mang Isko!" wika ni Jeric. Nagsitanguan naman ang iba. Lahat sila nakatingin na sa akin kaya wala na din akong choice kundi ay pumayag na rin.
"Tara?" ani Justine. Itinuro niya ang isang sasakyan.
I looked at him. "Sayo yan?" tanong ko. Tumango lang siya.
Mangha akong tumingin sa sasakyan niya na Ferrari. "Bigtime mo, ah." sabi ko.
He chuckled. "Not me. My families are." sabi niya tsaka niya inilead saakin ang daan papunta sa sasakyan niya. Medyo malayo rin kasi dito ang sasakyan ni Vince sa sasakyan niya kung saan siya nagpark.
"Lexine." awtomatiko akong tumigil sa paglalakad ng tawagin ni Vince ang pangalan ko. Ano na naman kayang kailangan ng isang 'to? Nagtataka ko siyang tiningnan.
"What?"
"Dito ka na sa akin sumakay." sabi nito.
I smiled. "Hindi. Dito na ako kay Justine sasabay. Marami na atang sasakay diyan saiyo, eh."

YOU ARE READING
Perfect Haters (COMPLETED)
Teen Fiction"We both hate each other. We both don't want each other.. and we didn't expect us to love each other. Destiny is really playful."